By Mortz C. Ortigoza
SUAL, Pangasinan – Ang First Congressional District sa western
Pangasinan ang may pinakamaraming iskolarship sa kolehiyo sa buong Pilipinas ayon kay dating
Congressman Jesus “Boying” Celeste.
Ani ng dating mambabatas sa ngalan ng edukasyon marami siyang plano na gagawin sa bayan na ito.
"Ang ginawa po namin noong kami ang naka upo bilang isang Ama ng Distrito: Inumpisahan po namin ang scholarship program sa buong distrito dito. Tayo po ang may pinakamaraming scholars sa buong Pilipinas iyon po ay record po natin dito sa ating bayan”.
Celeste Scholars |
Sinabi pa ni Celeste, na tumatakbo ngayong pagka alkalde dito, na kabibigay lang ng financial na suporta para sa mga scholars sa district office sa Barangay Poblacion na
pinamumunuan ni Rep. Noli Celeste – ang nakakabatang kapatid ng dating Kongressman.
Ani Celeste magmula ng lumipat siya ng tirahan dito iba’t
ibang medical missions na ang ibinigay ng kanyang pamilya sa mga tao dito at sa
siyam na bayan at isang siyudad na
distrito.
“Mula ng dumating ako dito nagkaroon na ng medical missions dito sa mata marami pong mga bulag nakakita na ng salamin. Dahil po sa pagmamahal po ng isang lider. Ako’y masaya at may nakikitang akong kababayan na natutulungan natin”.
Kamakailan ipinangako ni Celeste na magpapatayo siya ng
kolehiyo dito sa lupang binili niya pag siya ay nanalo sa May 9, 2022 mayoral
election.
“Pero ang balak ng abang ninyong lingkod magpapatayo uli tayo ng isang unibersidad dito sa inyong bayan. Lahat ng estudyante sa eskuwelahang ipapatayo natin dito kung taga Sual ka wala kang babayaran,”
Ang mga malalaking
social services na tinatawag na Celeste Cares ay pagbigay ng mga construction
equipment dito para magawan ng mga kalsada ang mga mamayan, pagbigay ng relief
goods, pagbili ng mga utility vehicles para sa labing dalawang barangays kung saan ang
mga sasakyan nila ay binawi ng munisipyo, pagbigay ng livelihood projects gaya
ng pagawad ng mga aalagaang baboy sa pamamagitan ng Kalinga sa Barangay, wheel
chairs, iba pang mga gamit sa mga handicapped, at tankers ng tubig para may mainum ang
mga mahihirap na mamayan dito.
No comments:
Post a Comment