Sunday, January 23, 2022

CAYETANO NUMBER 1 ULI SA SURVEY


Nanguna si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa senatorial survey na isinagawa sa social media ng isang survey firm na naka base sa Davao City.
Ang survey ay isinagawa ng University of Mindanao- Institute of Popular Opinion mula Dec. 21 hanggang Dec. 28, 2021. Ito ay tinawag na “The Filipino social media users from different regions of the Philippines.”
Ayon sa UM-IPO, ang survey ay ipinatupad online dahil bawal pa ang physical contact dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases. Tinarget ng survey ang mga social media users na pinili sa pamamagitan ng sponsored ads sa Facebook at Instagram.

NO. 1 ANEW. In a survey done by University of Mindanao- Institute of Popular Opinion held in December 21 to 28, 2021, former Speaker Alan Peter Cayetano (left photo and clockwise) topped the poll with 35% followed by Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (34.4 %), former Department of Public Works & Highway Sec. Mark Villar (33.4%), and House Deputy Speaker Loren Legarda (32.6%). This was the second survey that Cayetano became No.1. The first one was done by PulseAsia Ulat ng Bayan in the last quarter of last year. (Mortz C. Ortigoza)



Nakakuha si Cayetano ng 35% sa naturang survey na sinundan nina Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero 34.4 percent, dating DPWH Sec. Mark Villar 33.4 percent, House Deputy Speaker Loren Legarda 32.6 percent, TV host Raffy Tulfo 26.9, re-electionist Senators “Migz” Zubiri 26.6 percent, Joel Villanueva 26.4 percent, Sherwin Gatchalian 25 percent, dating VP Jejomar Binay 24.1 percent, Robin Padilla 24.5 percent, Jinggoy Estrada 19.7 percent, JV Ejercito 19.2 percent, at Risa Hontiveros 19.1 percent.

Ito na ang pangalawang senatorial survey na top 1 si Cayetano. Una dito ay ang 2021 last quarter survey ng Pulse Asia Ulat sa Bayan na ipinalabas noong nakaraang Disyembre.
Kaugnay nito pinasalamatan ni Cayetano ang sambayanang Filipino sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya at nangakong itutuloy ang pagbibibigay ng atensyon sa COVID response ng gobyerno para sa mga biktima ng pandemya at mga OFWs. “Our priority right now remains the same: conducting programs and pushing for laws that will improve the health and livelihood of our kababayans all over the country and abroad’’.
Isinusulong ni Cayetano ang 10K Ayuda Bill para matulungan ang ating mga kababayang iginupo ng pandemya. Minabuti ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyadong kongresista at mga privaye donors na mamahagi ng P10,000 sa mga nangangailangan. Sa ngayon, umaabot na sa 15,778 ang nakatanggap ng P10,000 ayuda mula sa grupo ni Cayetano.
Bilang dating kalihim ng Dept. of Foreign Affairs, pinangunahan ni Cayetano sa Kamara ang pagtatag ng Department Of Migrant Workers(DMW). Ito ay nilagdaan ni Pangulong Duterte bilang batas noong December 30, 2021. Umaasa si Cayetano na sana ay pakilusin agad ang naturang ahensya sa pag-upo ng susunod na pangulo upang mabigyan ng atensyon ang hinaing ng mga OFWs.

No comments:

Post a Comment