By Congressman Christopher "Toff" de Venecia
Ang
opisina ng inyong lingkod ay dumalo sa simulation ng distance
learning gamit ang iba't ibang pamamaraan ng pag-aaral.
Ang
junior high school at senior high school ng Dagupan City National
High School ay magpapatupad ng online at modular instruction for
learning.
Para sa
Modular Learning, ang ating mga magulang ay pupunta sa paaralan para
sa mga printed modules na sasagutan ng mga estudyante sa kanilang mga
tahanan at isusumite ito sa susunod na linggo para makuha ang susunod
na module. Ang Online Learning naman ay gagamit ng Google Meet App na
magsisilbing online classroom kung saan magtuturo ang mga guro ng
kanilang asignatura sa loob ng 45-50 minutes at bibigyan din ang mga
estudyante ng modules na magsisilbing guide kung sila may
madidisconnect sa online classes.
Alam
natin na maraming concerns ang mga magulang at mga mag-aaral sa
nalalapit na pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, kaya naman
tinututukan natin ang mga saloobin ng ating mga Kabalyean para mas
mapabuti ang implementasyon ng online learning, blended learning, at
iba pang modes of learning para sa lahat.
The Philippines has become the world’s third largest source of plastic leaking into the ocean and has among the highest trash collection rates in Southeast Asia. (Photo is internet grabbed) |
***
Sinimulan
po natin ang ating linggo ngayong hapon sa isang Economic Affairs
hearing kung saan nakapanayam namin si Ginang Nanette Medved-Po para
malaman ang magagandang programa at polisiya ng Hope in a Bottle at
kung anong mga panukala ang pwedeng ihain ng Kongreso para mabawasan
ang produksyon ng plastik o di kaya nama'y hikayatin ang mga kumpanya
sa pamamaraan ng pabibigay insentibo para mabawasan ang kanilang
paggamit nito.
Alam
niyo bang pangatalo (pang-3) ang Pilipinas sa pinaka-nagkakalat ng
basurang may kaugnayan sa plastik sa buong mundo? Nakakalungkot.
Kayo
ba, ano pananaw niyo dito?
No comments:
Post a Comment