Sunday, July 19, 2020

PAGSISIKAP NI REP. TOFF NA MAI-ANGAT ANG AGRIKULTURA, NAGBUBUNGA NA!


Malapit na nang maisabatas ang panukala ni Rep. Toff de Venecia na Magna Carta of Young Farmers, na naglalayong magbigay ng insentibo upang ang mga kabataan, edad 15 hanggang 35, ay bumalik sa industriya ng pagsasaka at pangingisda.
No description available.
Pangasinan Fourth District Congressman Christopher "Toff" de Venecia helped the Department of Agriculture in the distribution of farm machinery to three farmers cooperatives in the one city and four towns' district in Central Pangasinan. The distribution materialized because of the funds accrued from the department's Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Program.
Lumabas kasi sa pag-aaral na ang average na edad ng mga magsasaka ay 57 to 59 years old. Nito lamang nagdaang linggo, ang nasabing panukala, na pinangalanan nang "Young Farmers and Fisherfolk Challenge Act" ay nakapasa na sa Committee level ng Kamara. Matatandaang isa ito isa sa mga priority bills na nirekomenda ng NEDA (National Economic and Development Authority) na dapat maisabatas, para makamit ng pamahalaang Duterte ang minimithi nitong pag-unlad ng ekonomya.
No description available.
Nakasaad sa nasabing panukala ang pagbuo ng Young Farmers and Fisherfolk Challenge Council, upang bigyan ng boses ang kabataan para sila’y makagawa ng mga polisiyang makakatulong sa kanilang sektor. Maliban dito, aktibo rin ang kongresista sa pakikilahok sa iba pang aspeto ng agrikultura, gaya ng katatapos na Committee hearing para amyendahan ang Seed Industry Development Act of 1992.
No description available.
Samantala, nitong nagdaang linggo, ay namahagi naman ang tanggapan ni De Venecia ng mga agricutural machineries sa tatlong samahan ng magsasaka sa ika-apat na Distrito. Ang proyekto ay naisagawa sa tulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Program ng Department of Agriculture, na ginanap sa munisipalidad ng Lingayen.
No description available.
Pangasinan Fourth District Congressman Christopher "Toff" de Venecia helped the Department of Agriculture in the distribution of farm machinery to three farmers cooperatives in the one city and four towns' district in Central Pangasinan. The distribution materialized because of the funds accrued from the department's Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Program.
Binigyan ng rice combine harvester, 4-wheel tractor at hand tractor ang Lobong Farmers Communal IA Inc. ng San Jacinto. Gayundin ang Dekalidad Oraan East FIA, Inc. ng Manaoag, habang ang Farmers Association of Talogtog -Bateng ng Mangaldan ay binigyan isang rice combine harvester at apat na hand tractors.

No comments:

Post a Comment