Friday, July 24, 2020

DE VENECIA SCHOLARSHIP PROGRAM, TULOY PA RIN!

Bukas na ang tanggapan ni Congressman Toff de Venecia para sa college scholarships.
Ang mga bagong aplikante ay pinapayuhan na mag-apply sa website na: stufaps.chedro1.com/congressional at i-print at pirmahan ang enrollment form na makikita doon.
Pinapayuhan din ang mga aplikante na ihanda ang mga sumusunod na dokumento: kopya ng Grade 12 grades, bio-data na may 2x2 picture, certificate of residency at certificate of good moral character.
Kasama ang enrollment form, ang mga ito ay isusumite sa tanggapan ni Congressman De Venecia.

No description available.
Para naman sa mga magre-renew ng kanilang college scholarship, mag- register kayo, online sa nasabing website (stufaps.chedro1.com/congressional) at sundin ang mga panuntunan kung paano ire-renew ang inyong scholarship.
Pagkatapos, ay maaari niyo nang i-submit ang mga nabanggit nang requirements, kasama ang inyong certificate of grades kung saan kayo huling nag-aral.
Ang District Office ni Congressman De Venecia ay bukas, tuwing office hours, mula Lunes hanggang Huwebes mula 8:30 AM hanggang 3:30 PM .
Ito ay matatagpuan sa: A.B. Fernandez Ave. Dagupan City (beside Banco De Oro, sa tapat ng Janas Bakery, Dagupan City. Ito ay may telepono, bilang 523-6391 at 0947-324-7674.
Bagamat naantala ng pandemya, naibigay na rin ng tanggapan ni Congressman de Venecia ang mga scholarship cheques mula sa CHED (Commission on Higher Education) noong isang linggo.
Ang De Venecia scholarship program ang isa sa haligi ng paglilingkod ng mga De Venecia, na sinimulan ni five-time speaker Joe de Venecia noon pang dekada sitenta. Mahigit 25,000 na ang nagtapos sa kolehiyo, dahil sa programang ito.
No description available.
Sa kasalukuyang panahon, isinama rin ito ni Congressman de Venecia sa kanyang plataporma ng paglilingkod, na tinaguriang BAGETS (B-uhay na Turismo, A- Agrikultura, G- Gusali at Imprastraktura, E-dukasyon, T – Trabaho, S – Serbisyong Pangkalusugan)
Aktibo rin ang kongresista sa mga pagpupulong ng Committee on Basic Education, kung paano ang wastong modality ng pag-aaral sa panahon ng pandemya, at sa Basic Education and Culture Committee para maasikaso ang tamang pondo ng mga ahensiyang pang-sining at kultura, tulad ng NCCA, National Historical Commission of the Philippines, National Museum, CCP, National Archives, Komisyon ng Wikang Filipino at National Library, para masigurong ipupursigi ng administrasyon ang 10-point socioeconomic agenda nito, kasama ang pagsulong ng creative arts for economic growth. No description available.

No comments:

Post a Comment