By CONGRESSMAN TOFF DE VENECIA
Kaya naman tayo ay nagkaroon ng isang Memorandum of Agreement kasama ang Region 1 Medical Center, sa pamumuno ni Director Joseph Roland O. Mejia at mga Local Government Executives natin sa ating buong distrito para sa libreng real time-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests ng ating mga frontliners sa distrito.
Nagsimula na ang pagtest sa first batch ng fronliners natin mula sa Bayan ng San Fabian.
Isusunod din po natin ang iba pa po nating frontliners mula sa ibang bayan sa ating distrito.
Ingat po tayo, Kabaleyan!
***
Tayo ay nagdistribute ng mga gamot at vitamins sa mga Rural Health Units natin sa Bayan ng San Fabian. Ito ay habang inihahanda ng ating tanggapan ang safety protocols at guidelines ng New Normal sa pagsasagawa ng mga Medical at Dental Missions natin sa ating distrito.
Nabigyan na po natin ang lahat ng Rural Health Units natin sa lahat ng mga Bayan sa Quatro Distrito pati nadin ang City Health Office natin sa Lungsod ng Dagupan.
***
Ang inyong lingkod ay nagfile po ng Freelance Protection Bill sa 18th Congress na inadopt bilang reference bill sa samu’t saring bills patungkol sa freelancers na tinalakay sa kumite ng labor at employment kamakailan.
Patuloy po nating ipaglalaban ang pagkakaroon ng iba't ibang benepisyo ng ating mga freelance workers na hindi sakop ng Labor Code at para mabigyan sila ng proteksyon laban sa mga pang-aabuso tulad ng hindi pagbabayad or pagsunod sa mga nakasaad sa kontrata.
Nais din nating magka-access ang ating mga freelancers sa mga legal channels sa DOLE kung sakaling may mga paglabag, maliban pa sa sistema ng ating mga korte.
Maraming Salamat kay Ms. Vivienne Gulla para sa feature!
No comments:
Post a Comment