Wednesday, June 24, 2020

Access Roads sa mga Tourism Sites ng Quatro Distrito, Tinatapos Na! - Cong. Toff


Seryoso si Congressman Toff De Venecia na gawing tourism hub ng Pangasinan ang Quatro Distrito. 
“Bukod sa development ng mga tourism sites, ay maghahatid din ito ng bagong trabaho at dagdag na pagkakakitahan ng ating mga kababayan,” saad ng kongresista.
 No description available.
Bago pa dumating ang pandemya, sinimulan na ang paggawa sa mga nasabing access roads, bunga ng pakikipag-usap ng kongresista sa DPWH at Department of Tourism, na siyang nagpondo sa mga nasabing proyekto, sa pamamagitan ng programang TRIPC (Tourism Road Infrastructure Prioritization Convergence Program).
Dahil sa pandemya, inaasahang sisigla ang domestic tourism. Ayon kay DOT Secretary Berna Romulo Puyat, “the DOT’s new direction is to boost domestic tourism now that inbound arrivals have expectedly decreased and with several temporary travel bans in place.”No description available.
No description available.
Barangay Bonuan, Dagupan City.
Ilan sa mga natapos ng access roads ay ang mga sumusunod: ang kalsada papunta sa growth center ng Dagupan at Esplanade at Boardwalk sa Barangay Pantal; San Jacinto – Manaoag road mula Dagupan City papunta sa Basilica at Virgin’s well; at Urdaneta- Manaoag road patungong Basilica at Virgin’s well.
Ilan naman sa mga tinatapos na, ay ang: Access road papuntang San Fabian Beach; at ang Access road papuntang Tondaligan Park sa Dagupan City.
No description available.
Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag
Ginagawa rin ang Dagupan- Mangaldan bypass road; ang Dagupan-Calasiao bypass road at ang Dagupan-Binmaley bypass road.

No comments:

Post a Comment