Thursday, June 18, 2020

LAHAT NG FRONTLINERS SA 4TH DISTRICT, LIBRE ANG COVID 19 SWAB TEST! - CONG. TOFF



ANG MALASAKIT SA KAPWA, NAKIKITA SA GAWA

Ikinatuwa ng mga Covid -19 frontliners ang anunsiyo ni Congressman Toff de Venecia, na lahat sila ay mabibiyayaan ng libring swab test.
Sa kasalukuyan kasi, kahit sabihing subsidized ang pagpapa-test sa mga pampublikong ospital ay gumagastos pa rin sila ng ilang libong piso kada test.
Kaya, upang ipakita ang malasakit at pagkilala sa kabayanihan ng mga frontliners, gumawa ng paraan si Congressman De Venecia, para maging libre na ang pagkuha ng naturang test. 
 
LIBRE. Tuluy-tuloy ang pamimigay ni Cong. Toff de Venecia ng libreng gamot at bitamina sa 140 barangays ng 4th District ng Pangasinan (Photos taken during the distribution of medicines in Manaoag.)
Noong June 15, ay nilagdaan niya ang isang Memorandum of Agreement, tungkol sa libreng pagpapa- swab test sa mga frontliners ng ika-apat na distrito, kasama sina Dr. Roland Joseph Mejia, director ng Region 1 Medical Center at sina Dagupan City Mayor Brian Lim, Mangaldan Mayor Marilyn Lambino, San Fabian Mayor Constante Agbayani, San Jacinto Mayor Leo De Vera at Manaoag Mayor Kim Mikael Amador.
Sinimulan ang naturang programa noong June 19, kung saan sumalang sa Covid - 19 swab testing ang 86 frontliners ng San Fabian.
Matatandaang noong ika-10 ng Hunyo, binigyan ng Department of Health ng license- to -operate ang molecular biology ng R1MC upang magproseso ng mga specimen para sa polymerase chain reaction (PCR) test.

No comments:

Post a Comment