BY KITZ BASILA
NAUSO ang tag-price sa pamilihang bayan. Ang bawat bilihin ay may kaukulang halaga ng pera na kapalit. Ang nakasanayan na nga ay Pera ang kailangan kung may pangangailangan.
BINABAYARAN din ang pagsumpong (paghanap) ng katotohanan, katarungan, katayuan, kakainin at halos lahat na kibo’t-galaw ng tao. Mandin, pati ang asam na pagtatangi o pagmamahal na nais at gusto.
Ang tanong, Pag-ibig ay magkano?
Ang tanong, Pag-ibig ay magkano?
KATANUNGAN na lantad na may pera na katapat kung ang hanap ay Pag-ibig. Sa mabilisan na kwenta, na tulad sa pagkasilang pa lamang ay tinutustusan na ng halaga, maliban pa sa sakripisyo na walang katumbas na presyo.
Araw ng Puso ang buwan ng Pebrero, na ayon sa pangaral at nakagawian na ipagdiwang ito. Ang masaklap, ginawang kalakal ang katuturan ng pagdiriwang na kailangan ay malaking halaga para sa masaya na selebrasyon.
Oo nga naman, chocolate and roses na pinauso na regalo, Asus, presyong ginto ang katulad. Pati, ang bed and breakfast na kadalasan ay puntahan ng mga mag-asawa tuwing Araw ng Puso ay mahal ang halaga. Ang quickie place for lovers ay siksikan to-the-max, nagtaas pa ng renta.
Ang kiliti, ang Pag-ibig ay walang katumbas na halaga, dahil ang damdamin ay kusa na titibok kapag napasok kaninuman. Pero, ang magkano ay ang halaga ng oras na laan sa pagsuyo sa pagsungkit dito. Ang presyo ng mga pangenganyo para makamit ang matamis na pagsang-ayon na pag-ibig ang bubuo ng iisang-dibdib.
Teka, for sale nga ba ang Pag-ibig? Ewan ko!
No comments:
Post a Comment