“Sa wakas, inamin na ng gobyerno na ang
pagtaas ng presyo ng pagkain ay dahil sa taas ng presyo ng petrolyo. Pababain
na natin ito. Itanggal na ang TRAIN Tax sa petrolyo,” ani Sen. Bam, isa sa apat na senador na bumoto
laban sa ratipikasyon ng TRAIN Law. Tinutukoy ni Sen. Bam ang pahayag ni
Agriculture Sec. Manny Pinol sa pagdinig ng budget ng ahensiya na ang mataas na
presyo ng petrolyo ang pinakamalaking dahilan sa mataas na inflation rate, na
pumalo sa 6.4 percent noong Agosto. “Sana kasabay ng pag-amin ay gawing
urgent na din ang Bawas Presyo Bill para mabigyan naman ng kaunting ginhawa ang
mga Pilipino,” wika ng senador, na tinutukoy ang Senate Bill No. 1798.
“May krisis na ang Pilipinas sa bigas at taas
presyo. Utang na loob, pagtulungan na natin ito alang-alang sa mga Pilipinong
hirap na hirap nang umahon,” wika ni Sen. Bam.
Sinuportahan ni Vice President Leni Robredo ang
pagsasabatas ng panukala habang nagsumite naman ang mga miyembro ng minorya sa
Kamara -- Miro Quimbo, Jorge “Bolet” Banal, Jose Christopher Belmonte, Gabriel
Bordado Jr., Raul Daza, Jocelyn Limkaichong, at Josephine Ramirez-Sato – ng
kanilang bersiyon ng panukala.(P.R)
No comments:
Post a Comment