WALANG SIRAAN. Ilatag ang plataporma sa pamamahala na ayon sa diwa ng totoong pagsisilbi sa mamamayan.
GANITO ang panuntunan na nais ipatupad ni Congressman Jesus ‘Boying’ Celeste, sa gaganapin na pulitikahan para sa mid-term elections sa Mayo 2019.
ANIYA ang makabagong pulitika na ang tahak ay maayos na paglalathala sa mga nais na maisakatuparan, paglalatag sa iba’t-ibang programa na tukoy ay pangkalahatan, paghahain ng mga panukala para higit na maging kapaki-pakinabang ang gawain ng pamahalaan at marami pang hangarin na ang tukoy ay totoong pag-unlad at serbisyong pakikinabangan ng mas nakararami ay ilan sa mahalagang laman ng panuntunan na dito ang saysay ng pulitikahan na tahak.
“Para higit na mapaunlad ang kabatiran mulat ng ating mga kapwa botante ay ipagkaloob natin ang mahusay na pamo-mulitika na naka-sentro sa mga nagawa, ginagawa, at balak pang mga gawin bilang halal na lider,” paliwanag ni Congressman Boying, na ngayon ay nasa ikatlong-termino bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Pangasinan sa Philippine Congress 2016-2019.
Sa nakagawian ni Congressman Boying ay ipinapairal niya ang makabagong pulitika na nais sundan lahat ng pulitiko, ito ang mapagsilbihan ang lahat na walang pinipili.
“Mas mainam na huwag magsiraan ang magkakatunggali para ang mahusay at maayos na latag ng pulitikihan ay umiral sa ikatitiwasay ng pagpipili na gagawin sa iboboto,” diin ni Congressman Boying.
UGNAY sa gustong mangyari na walang bahiran ng pag-aalipusta, pagpapakalat ng kasinungalingan, paninirang-puri at paglalatag ng maling akusa ay mahigpit na hiniling ni Congressman Boying sa mga taga-suporta, PR officers at maging sa media-practitioners na huwag pairalin ang kasinungalingan na ugat ng maruming pamu-mulitika sa darating na halalan Mayo 2019. (Kitz Basila)
No comments:
Post a Comment