Sunday, July 1, 2018

Q&A: Do senators delay the PSA because of lobby monies?



When Senator Risa Hontiveros visited recently Dagupan City to grace a social function she called a press conference. The following were the posers of columnist Mortz C. Ortigoza  (MCO)that specifically zero on the probability of the influence of multi-million of pesos lobby monies given by big corporations to senators because until now they did not pass the amendment to 100% ownership on business utilities in the Public Service Act (otherwise known as Commonwealth Act No. 146) that had been long passed by the House of Representatives as recommended by the  Legislative-Executive Development Advisory Council in August 2017. Excerpts:
Senator Risa Hontiveros being interviewed by
Political Columnist Mortz C. Ortigoza.

MCO: Humihina ang peso natin versus U.S dollar isa sa mga factors dahil mahina rin ang export industries natin. Sabi nila tangalin through amendment sa Public Service Act iyong 60-40 percent ang ownership ng utilities o public providers para dumami ang foreign investors. Ginawa na iyan ng House of Representatives last September 2017. Ung Senate Committee on Public Service under kay Senator Grace Poe di pa rin na aprubahan ng mga senators doon. Bakit po? Nag lo-lobby ba ang mga senators ng pera sa mga big corporations dahil election na naman sa 2019 at madami sa kanila reelectionists?

SENATOR: Una, 12 years low ang dollar. Isang malaking pagkukulang natin bakit humihina ang export hangang ngayon. Wala pa diyan iyong industrial policy. Kulang na nga tayo ng policy na 100% na nagsusuporta sa agrikultura and then iyong mga nauna iyong 1950s, 1960s tina-champion ang mga local industries, pero naunahan ng IMF, World Bank prescription na ang Pilipinas ay hindi kasama sa industrial sector ng global economy. Neo-liberal iyan hangang agrikultura kaya ni walang proceso raw materials lang. Then ang subsidy bigyan ng attention sobrang nahuhuli na ang mga business sectors under pressure hirap din. Nagsisimula ang kahirapan ng mga BPOs, call centers, dahil sa advent ng artificial intelligence, iyong pagpasok ng China, regulator, anti-dummy et cetera.

 Kasi ang formula diyan yumaman ang China, yumaman sa FDI (Foreign Direct Investment) ang Vietnam, Thailand, Singapore, Thailand because they open their economy to foreign investments.


 Ah, sa Constitution iyan…

 60-40 dapat gawing 100%..

Matagal na nilang kinukulit iyong magsusulong ng Charter Change at iyon isang tinutukoy nilang controversial iyang National Economy & Patrimony Provision 60-40%. Pero actually hindi iyan ang problem. Kahit iyong industrialization ng ibang bansa ngayon, na advance natin iyong tiger economies at this stage ngayon ng economic development. Panahon nila meron silang protectionist measure sa batas nila.
Sa saligang batas napag usapan ang industrial policy kapag napakabata pa ang industrialization policy kailangan bigyan natin ng preference ang local industrialization, kahit domestic capitalists na magkaroon ng lakas ang foot hold sa economy na bago magkaroon ng pantay lang na pagkakataon ang mga dayuhan. 60-40 na constitutional na mandate at a certain stage ng economic development natin ay puwede nating e-revisit iyan. At kahit na po iyong mga chambers of commerce sa Congress sa lahat sa ibat ibang sangay nila noong isang taon inamin nila na hindi iyan inability to own land. Halimbawa, ang pinaka sanggay na makakapasok sila ng malaking foreign direct investment mas iyong predictability ng policy, iyong equal application of the law. Saka iyon mga usapin ng presyo ng kuryente, at siyempre inaayos pa nila ay presyo…

 Hindi naman natin e-change iyong Constitution. Nandiyan naman ang Public Service Act na approved na ng House of Representatives under kay Speaker (Pantaleon) Alvarez last year, si Senator Grace Poe, Senator Bam Aquino, and other senators kausap ko agreed po sila. The problem now is bakit hanggang ngayon hindi pa ina-approve? Tama ba ako na sabihin na nagpo-procrastinate ang mga ibang senators dahil nag-aantay sila ng abuloy mula sa mga big corporations dahil election na? Ang helicopter nila at jet planes nililibri sila ng mga big corporations sa sorties nila all over the country. Kausap ko ang isang piloto dito. Tama ba ako diyan maam o mali ako?

 Ahh, maaring tama kayo o maaring hindi. Alam ninyo naman pag kandidato lalo na pag reelectionist merong kunsiderasyon…

 Pinapahiram ng helicopter…

In fairness to Senator Grace, hindi ko pa nati-tingnan kung anong stage o current public service bills at hindi ko na second guess kung ano ang dahilan.
Ahh, matanong ko lang kayo ang Public Service Act, nag pu-provide ..?

 Yes, siya ang mag chi-change ng 60-40% hindi na kailangan ang Charter Change…

 Pero hindi namin puweding gawin iyon…

 Ginawa na ng House of Representatives, maam! 

Dahil ginawa ng House hindi ibig sabihin na gagawin din ng Senado.

 At gagawin din nila Grace Poe!

Tingnan natin. Dahil pagkakaalam ko… ah, with all due respect kay Senator Grace ay tatawagan ko siya kung anong stage na iyong bill, sa pagkakaalam ko hindi nila puweding amendahan ng by law ang nasa Constitution. Kailangan Charter-Change iyan whether ng ConCon or ConAss, or…. (People’s Initiative - MCO).


READ: 

Filipino Senators For Sale?

1 comment: