Sunday, April 22, 2018

Kailangan talagang magpatayo pa ng karagdagang power plants ayon sa PEZA


LINGAYEN, Pangasinan -  Hinikayat ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang mga local government units sa Pangasinan na gagawa sila ng kahit dalawang economic zones sa kani-kanilang bayan o lungsod.
Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza lalong mapabilis ang pagdagsa ng mga investors kung merong economic zones ang mga LGUs.
PEZA Director General Charito Plaza bares plan to put up a mega-economic
zone in Pangasinan.
Si Plaza ang nagsilbing guest of honor and speaker sa  Pangasinan economic development meeting na ginanap kamakailang lamang sa Pangasinan Training and Development Center.
Ayon sa PEZA Director General, maraming investors ang interesadong mamuhunan sa Pilipinas dahil sa maganda nitong location, masisipag ng workforce, at magandang klima kung kayat dapat itong samantalahin ng mga LGUs.

Sinabi pa ni Plaza na meron nang itinalagang economic zones sa Pangasinan na kinabibilangan ng mga bayan ng Sual, Mabini, Urdaneta City, Dasol, Umingan, San Jacinto at Dagupan City.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga foreign at domestic investors, welcome sa PEZA Director ang pagtatayo ng karagdagang planta ng kuryente kabilang na ang coal-fired power plant.
Masaya namang tinanggap ni Mayor Roberto Arcinue ng bayan ng Sual ang balitang ito.
Sinabi ni Arcinue na dumadagsa ang mga local at foreign investors na gustong maglagak ng puhunan sa bayan ng Sual tulad ng oil depot, international seaport, mga resorts, ship building and repair at planta ng kuryente.
Sa kasalukuyan isang malaking kompanya mula sa South Korea ang nais magpatayo ng pangalawang coal-fired power plant sa naturang bayan na nagkakahalaga ng two billion US dollars.
Ang naturang planta ay merong generating capacity na 1,000 megawatts.        
Humigit-kumulang sa isang libong empleyado at trabahador ang kakailanganin para sa construction ng bagong coal-fired power plant sa bayan ng Sual.
Bukod dito, kakailanganin din ang humigit-kumulang sa tatlong daan na regular employees upang patakbuhin ang nasabing planta ng kuryente.
Ayon kay Mayor Arcinue, karamihan sa mga kakailanganing trabahador at regular employees ay pawang mga residente ng Sual dahil may ordinansa ang pamahalaang bayan na nag-uutos sa mga investors na priority ang mga residente ng Sual sa pagtanggap ng mga empleyado.
Bukod sa trabaho, inaasahan din na aabot sa halagang eight hundred million pesos na real property tax ang makokolekta mula sa nasabing power plant bawat taon. Ito ay paghahatian ng probinsiya, bayan ng Sual at barangay Baquioen na kung saan ipapatayo ang nasabing power plant ng Korea Electric Power Corporation (KEPCO).
Natutuwa si Mayor Bing Arcinue dahil halos lahat ng mamamayan ng Sual tulad ng mga kababaihan, mga senior citizens, mga magsasaka at mangingisda, empleyado at kabataan ay pabor sa nasabing proyekto.
Dagdag pa ni Mayor Arcinue na walang problema tungkol sa pollution dahil meron ng bagong teknolohiya na tutugon dito.

Kabilang dito ang state of the art ultra-super critical coal-fired power plant na siyang nagtataglay ng “High Efficiency Low Emission (HELE) Technology” at ang tinataguriang “green technology”.

“Its high efficiency can reach of up to 45% which substantially cut its GHG emission by 30% compared to its predecessors or older coal fired power plants having efficiencies as low as 33% only,” ayon sa report.

Ang planta ng KEPCO ay gagamitan ng ultra-supercritical technology, ang pinaka-modernong technology para sa coal-fired power plant.


No comments:

Post a Comment