Friday, October 27, 2017

P2000 Dagdag kay Teacher


Alaminos City – DAGDAG sa take-home pay ng mga guro ay ikinakasa ni councilor Alfred Felix De Castro, sa inuumang na city ordinance na inilatag noong October 23 regular session ng Sangguniang Panlungsod dito.
Image result for deped teachers
Ang dalawang-libong peso (P2,000.00) ay magsisilbing additional allowance kada taon na ipagkakaloob ng lunsod sa mga public elementary and secondary school teachers na kinabibilangan ng mga classroom teachers, ALS teachers at teachers ng Philippine Science High School System. Maging ang mga localy funded teachers ay pagkakalooban.
Susog ng panukalang ordinansa ay pakikinabangan ng siyam na raan limampu’t-tatlo (953) na guro, ito ay ayon sa pagtala ng DepEd division ng lunsod na ito. Na ang P1.9 Million kada taon na pondo ay kukunin sa Maintenance and Other Operating Expenses ( MOOE) ng alkalde dito.
Ayon pa sa panukalang ordinansa ay tatanggapin ng mga guro ang naturang dagdag benepisyo tuwing selebrasyon ng National Teachers day ng bawat taon o tuwing buwan ng Octobre kada taon.
Ang panukala na agad inaprubahan sa konseho ng lunsod ay suportado ng lahat na kasapi na dumalo sa sesyon na pinangunahan ni Councilor Apolonia Bacay, bilang pansamantalang presiding-officer at bise-alkalde dahil sa nasa ibang bansa si VM Anton Perez para sa opisyal na biyahe. (Kitz Basila)

No comments:

Post a Comment