Tuesday, December 2, 2014

MANGALDAN MAY PINAKAMALAKING 2015 BUDGET SA PANG'NAN.


By Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN - Dahil sa magandang pamamalakad ni Mayor Bona Fe de Vera- Parayno dito, ang P208 Million budget for year 2015 ay ipinasa ng Sangguniang Bayan ngayong martes (December 2) sa kanilang  2nd Reading.
Si Mayor Bona Fe D. Parayno (blue blouse) at ang kanyang mga
department heads kasama si Supt. Jackie Candelario (extreme right)
sa hearing ng Sangguniang Bayan. Ipinasa ng SB ang P208 million
2015 budget ng bayan noong December 2 ng hapon.

Ayon sa isang political kibitzer, sa mga 1st class municipalities sa 43 towns dito sa Pangasinan, ang bayan na ito historically ang unang nakapag-pasa ng ganito kalaking halaga. Ang mga 1st class na bayan gaya ng Sta. Barbara, Calasiao, Binmaley, Lingayen ay nasa P140 million to P180 million lamang ang kanilang budget.
"Maraming pera ng bayan na ito. Isa diyan ang efficient tax collection ng Parayno Administration," ani ng source.
Sabi ni Mayor Parayno lumubo ang budget sa susunod na ta-on dahil isa diyan ang mga proyekto ng pulis contra sa illegal na druga dito.
"Five million peso na kaagad ang two-storey na building namin para sa mga batang palaboy at iyong mga menor de edad na nakagawa ng krimen. Kasali na rin doon sa binigyan ng budget ang mga battered wives," ani Supt. Jackie Candelario.
Sabi ni Candelario dahil sa orientation ni mayor sa health services, na bigyan niya ng tu-on ang sitwasyon ng mga kabataan at abused wives sa 2015 budget.

Ani ng hepe, bukod sa building na pinagawa ni Parayno, nakasali rin sa budget sa 2015 ang mga panganga-ilangan gaya ng pagka-in ng mga bata at battered wives na titira doon sa bagong building.
"Open si Mayora sa mga panganga-ilangan ng kapulisan dito kung paano palakasin ang peace and order. Sabi niya sabihin ko lang daw kung ano ang mga kailangan pa namin at susuportahan niya". 

Ang project sa pulis ay in cooperation with the Department of Social Welfare and Development, dagdag ni hepe.

1 comment:

  1. Congrats mayor well done i salute you mam. will always support.

    ReplyDelete