By MORTZ C. ORTIGOZA
Hindi alam ng Dagupan City Council na pinangu-ngunahan ni Councilor Netu Tamayo na ang Ordinance No. 2013-2014 ay isang ticking time bomb sa siyudad.
Isa sa tatlong batas na saklaw ng Ordinance ay by amending Section 4 of Ordinance No. 1922-2008, Providing for Supplementary Rules on the Use of Motorcycle Helmets.”
Nakasaad: :
”..Mandated to remove the same at authorized checkpoints by law enforcement agencies; provided that motor vehicle riders with speed limit below 15 kph are likewise exempt from wearing helmets at the Central Business District, including but not limited to Caranglaan, Mayombo, M.H. del Pilar, Arellano, A.B Fernandez, Gulig, Malued, and such other areas hereafter identified as economically viable for growth”.
The Ordinance said that the fine shall be payable to the City Treasurer’s Office within three days or seventy hours from the date of the issuance of the Citation Ticket. Moreover, it said that upon payment of the required fine, the driver’s license shall be released immediately. However, if after three days, no penalty payment was tendered, the corresponding case for violation of the City Ordinance shall be filed in the Municipal Trial Court for appropriate trial.
***
Ito ay inalmahan ng mga countless of the tens of thousands of listeners ni Ruel “Mapalakapak” Camba sa kanyang dalawang oras na umuusok na program sa DWPR-Power Radio noong ako ay sumawsaw sa isa niyang microphones.
Sabi ko ang dilemma (Sa Pilipino means pinsan ni Justice Secretary Leila de Lima) ng mga motorcycle riding public pag pumasok sila sa business center ng Dagupan na naka-helmet ay sila ay huhulihin at pagmumultahin ng personnel ng Public Order & Safety Office ng P200.00 for first offense, P300 for the second offense, P500 and imprisonment for the third offense and subsequent offenses .
Pag tinangal naman nila ang helmet nandiyan sa gilid nila, like an Albatross breathing on their neck (English po ito), si Land Transportation Office’s Regional Director Jojo Guadiz at ang kanyang army of field personnel para pag mumultahin ang mga violators ng P1,500 for the first offense; P3,000 for the second offense, P5,000 for the thirds offense and P10,000 plus confiscation of driver’s license for the fourth and succeeding offenses ito ay naayon sa national Motorcycle Helmet Act of 2009 (Republic Act No. 10054).
Anak ng bakang dalaga, saan na ngayon isu-suot ng mga pobreng motorcycle riders ang sarili nila pag andito sila sa Dagupan City?
“National law (like RA No. 10054) prevails over an Ordinance (like the besieged controversial Ordinance No. 1922-2008), sabi ng jurisprudence ng Supreme Court na nakalagay sa diariong pambalot ng tinapa na nabili ko kahapon.
“Pag pinatupad nila ang “idiotic” law ng No –Helmet sasali kami sa rally kontra sa administration ni Mayor Belen Fernandez!,” ani ng isang listeners sa DWPR.
Pero hindi na kailangan ang rally for the meantime.
Si Retired Judge Victor Llamas, isang motorcycle enthusiast, ay nag- file ng isang Petition for Declaratory Relief with Preliminary Injunction and Temporary Restraining Order laban sa stupid No- Helmet Policy sa Regional Trial Court sa Dagupan.
Kung ako kay kaibigang Attorney Joey T. Tamayo, kasama ang City Council i–amend ko na lang ang . Ordinance No. 1922-2008.
Hindi lang iyon controversial, sisira-in pa kayo niyan sa mata ng mga kababayan ninyo.
Baka itanong pa sa inyo diyan sa Council: “What were you smoking lately?” O, “Have you taken your med (medicine, ho) when you debated and hammered Ordinance No. 1922-2008?
Bakit hindi ninyo gayahin ang ginawa ng mga taga Columbia sa Latin American kung paano labanan ang mga motorcycle riding in tandem (MRT)criminals doon.
Pinagbawal ng gobierno doon ang pagsakay ng back rider sa motorsiklo liban sa asawa at anak ng motorist kasi alam nila na ang MRT criminals would not resort in endangering the lives of their kin lalo na impossible na ang mister ang driver si missis naman ang nagpaputok ng .45 caliber na pistol sa victim.
Dahil epektibo ang batas na iyon kontra sa MRT malefactors (synonym ng "offender"), ginaya tuloy ng City of Mandaluyong ang Colombia .
Dati rati pag na sambit ko sa mapagla-it na Dagupenong media men na si Harold Barcelona at si Tony “Text Back” de Vera ang katagang “Mandaluyong” sasabihin nila sa akin “lugar daw ng mga sira ulo”.
Pero, anak ng buwaya, mukhang dito sa Ordinance No. 1922-2008 tayong mga taga-Dagupan, hindi ang taga –Mandaluyong, ang naging mukhang sira ang ulo!
***
O gayahin ninyo ang Quezon City-- lugar ni slapping Mayor Herbert Bautista. Lahat ng motorcycle riders doon may blazer na may nakalagay sa harap at likod na plate number ng bike nila. Hindi iyong papatangal ninyo iyong helmet dahil takot kayo sa MRT criminals.
Paano naman iyong national law na mumultahan ang nahuhuli na violator?
Sige kayo, pag hindi ninyo ni-amend iyang Ordinance na iyan sisikat si Jojo Guadiz (na dating loyalist councilor ni former Mayor Benjie S. Lim) at si Ruel Camba na best friend sa media ni Dagupan City Vice Mayor Brian Lim at kasalukuyang sumisikat dahil sa araw-araw na pagbibira sa mga kapalpakan sa Dagupan.
(You can read my selected columns at http://mortzortigoza.blogspot.com and articles at Pangasinan News Aro. You can send comments too attotomortz@yahoo.com).
No comments:
Post a Comment