On legislators attending the pork barrel hearing
I don’t usually judge right away. Kaya nga mas gusto kong humarap sila sa hearing para ma-testing ko. But in general, depende sa tao yan. May pulitiko na garapal na talagang siya ang haharap mismo, hindi maingat. It depends on how you look at it. Minsan, ang sinasabi ng DOJ, meron pa ngang tseke na mismong galing sa opisina ni Napoles papunta sa accounts ng legislators. Ibig sabihin, ni hindi nila tinago.
Meron namang iba na gusto nila, dalawa o tatlong tao pa ang daanan, pero yung pangatlong tao, akala dalawang tao lang, yung pangalawang tao, akala niya yung unang tao lang at ang unang tao, siya lang ang may direct contact sa legislator. Ito ang mafia style, na ang bawat player ay hindi alam kung sino ang nasa ibabaw.
This defense has worked in the past.
For example, in the case of Senator Enrile, parang lumalabas, ang depensa ay si Gigi Reyes, ang kanyang Chief-of-Staff lang ang gumawa niyan at walang alam si Senator Enrile. Let us see if it is a valid defense o hindi. But in this case, parang ang sinasabi ni Tuason ay hindi si Gigi lang dahil nuong nagkikita sila, dumadating si Senator Enrile at alam niya ang pinag-uusapan nila.
Ruby Tuason’s credibility can be tested during the hearing
So as far as whether totoo o hindi ang sinasabi niya, we can test their credibility sa pagtatanong. Ang point na gusto kong ipakita sa publiko, the more na magbigay ka ng detalye, the more na malaman ko kung nagsisinungaling o hindi.
Kasi halimbawa, sinabi niya na ganitong petsa niya nakausap si Senator Enrile, tapos biglang may lumabas na picture o CCTV footage, o kaya diary niya na andun nga siya, it will improve the credibility [of Tuason] dahil totoo.
Pero halimbawa, sinabi na sa ganitong petsa na ito, na-meet niya si Senator Enrile, biglang nasa abroad pala siya, makikita natin na nagsisinungaling ang witness.
Napaka-importante sa mga investigators ang tinatawag na detalye. When you are telling the truth, kahit isang libo pa ang detalye mo, mave-verify yan. Pero if you are lying, isang detalye lang, mahuhuli ka.
Natutuwa ako na si Senator Jinggoy took the floor nuong Lunes and challenged Ms. Tuason and the DOJ at hiningi niya ang CCTV. Kasi from the start, kapag nadawit ang pangalan ng kasama mo, you would take an offensive tone… if they will not defend themselves, how can the people believe them?
But lately, nagsasalita na din si Senator Bong na sinasabi niyang wala naman dito ang Chief-of -Staff niya.
Whether they take a leave of absence, ang importante ay harapin nila yun para hindi na kailangang magsalita ang kanilang mga kasama and so that people will know how to judge.
It is really their call. Kung ako ang tatanungin mo, better talaga. Kung ako ang nasisi dito, 80% siguro I would want to take a leave of absence, unless ang nakikita nila ay kaya sila ginaganito para mag-leave sila precisely para i-demolish ang pangalan nila.
As a senator, marami kaming natatapakan, marami kaming iniimbestigahan. So minsan ang feeling mo din ay sineset-up ka. So, I don’t know in the case of these three senators.
Pork barrel funds are just 1% of the national budget, there is still 99% that is prone to corruption
Isa pa, na-abolish na ang pork barrel so wala na tayong pork barrel scam in the future. But the pork barrel is only 1% of the General Appropriations Act. Yung 99% na yan, nandiyan pa din. So ang threat of corruption ay andiyan pa din. Napaka-importante sa imbestigasyon na ito na may mangyaring protocols at mga move para ang mga korap ay mahuli.
Sa sinabi ni Benhur Luy, 2011-2012, pumupunta pa siya sa DA, may ka-deal pa din siya… Paano iimbestigahan ito? Paano malalabas ang katotohanan dito?
It is not only these cases na nire-resurrect natin. May mga iba pang cases.
I remember, Congressman pa ako nun, binantayan ang swine scam, binantayan din ang ZTE-NBN scam, ang Fertilizer scam, pero diyan ba may state witnesses ka ba? Diyan ba may mga mga nag-squeal? Diyan ba may mga na-freeze na mga accounts? What about the scams that are happening now? COA themselves said na ginagawan nila ngayon ng fraud audit, hindi lang special audit, ang NFA for the last five years kasi may nakita na silang anomalya sa pag-aangkat ng bigas.
In one sense, I am very optimistic na gumaganda ang tuwid na daan sa ating administration [and we are doing something] about these high-profile cases. On the other hand, nagiging institutional na ba ito? Nagiging S.O.P. o mga procedural na ba na kalaban man o kakampi, mataas man o maliit, kilala man o hindi, pulitiko man o hindi, we will have the same law for everyone?
Ang concern ko, ma-address dapat ng Congress yan. Remember, in aid of legislation ito. So kung lumabas nga ang totoo pero hindi naman mapasa ang Whistleblowers Act, ang Witness Protection Act, hindi naman maayos ang prosecution o ang kailangan ng Judiciary, baka sabihin ng mga tao, in aid of legislation nga ang ginagawa natin para lang bumango? I don’t believe it is just in aid of legislation but I do believe na kailangan ng reform from Congress.
On claims that there was manipulation of evidence
Una, pwedeng magtugma kapag ang kwento ni Benhur, at ang alam ba ni Tuason ay pareho.
Pangalawa, pwedeng magtugma kung may conspiracy, ibig sabihin, inimbento nilang dalawa.
Ang question, paano mo mapapatunayan? That is why importante na harapin ng tatlong senador na ito [ang imbestigayson].
Ang sinabi na… they are innocent until proven guilty, that is true. But that is for the court. But kung ikaw ang prosecution at kung may makita ka na mali, may evidence ka na, pwede mo nang ilabas yun. Pwede mo nang sabihing sagutin nila ito. Ang presumption na innocent… can be overturned.
Ngayon, sinasabi, hindi sapat na sabihin ng mga senador na hindi totoo yan, na conspiracy yan, kailangan, mag-prisinta ka din ng ebidensya to show na hindi yan totoo. Hindi lang theory ang pinakita ni Benhur. Nagpakita din siya ng ebidensya, ng amount, ng mga SARO… It is now up to them [senators].
Kunyari, si Senator Bong, pinakita niya na wala daw dito ang kanyang chief of staff. So that is evidence to counter the [whistle-blowers’] testimony.
There should be efforts to convince the people of their innocence
Kung ako ang abogado ng mga naaakusa ngayon, I will strive to convince the Filipino people na my client is innocent. Hindi lang sila magsasabi na gawa-gawa yan. Ang problema sa sinasabi nilang sa korte na lang humarap, hindi naman televised ang korte. Hindi naman sila private individuals.
They are celebrities, they are public officials and servants. Paano kung ma-abswelto sila ng korte pero madumi na sila sa mata ng tao? Pati ang justice system natin maaapektuhan. That is why kung public official ka o celebrity, hindi pwedeng sa korte ka lang sasagot. Dapat pati sa media sumasagot ka din.
Makikita mo, sa kaso ni Vhong Navarro. In a sense, it is a private matter. But in a sense, because he is a celebrity, he has to answer. Pumayag siya sa interview, because the public will also judge him.
Siguro yun ang problema natin. Nuong panahon ni GMA, sinasabi niya palagi na sa tamang venue [sasagot]. And then galit sila kung sabihin ng tao na guilty sila…
We should look at how other countries curb corruption in government
There are many solutions… Halimbawa, sa Singapore, milyong dolyar ang bayad sa Prime Minister at napakalaki ng sweldo ng mga public officials. Bakit? Kasi kung mababa ang sweldo katulad sa atin, bibigyan mo ang pulis ng bente-mil… Bibigyan mo ng baril para depensahan ang mga tao and then hindi mo susuwelduhan ng tama.
One way na ayusin ito is to pay our public officials correctly. ###
Online jobs -data encoder . Part time/full time
ReplyDeleteYou can earn while enjoying time with your family and love ones.
for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
to get started., Email me at besbremisana@yahoo.com