First Class Cadet Jeff Aldrin Cudia |
Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, hepe ng public affairs office ng AFP, mismong si Gen. Emmanuel Bautista ang nag-utos na imbestigahan ang kaso matapos makarating dito ang reklamo ng kapatid ni Senior Cadet Jeff Aldrin Cudia.
Sa reklamo ni Anavee Cudia, bukod sa parusang 11 demerits at 13 oras na touring (marching), ikinulong pa umano ang kaniyang kapatid sa holding center at pilit na pinagre-resign.
Iginiit ng kadete na late nang natapos ang klase niya sa ibang propesor na naging dahilan naman para mahuli ito sa susunod na klase.
Pero ayon sa desisyon ng Honor Committee na kinatigan ng commandant ng PMA, nagsinungaling si Cudia at ito ay isang malinaw na paglabag sa Honor Code.
Ito'y dahil sinabi ng propesor na hindi totoong late na siya nag-dismiss ng klase. Aniya, sinabihan lang niya ang mga kadete na maghintay matapos ang klase dahil may ibibigay siya sa mga ito.
"Sabi ng Honor Committee ay kasinungalingan daw yun at dapat daw ay sinabi niya 'pinahintay kami ng propesor pagkatapos ng klase.' Hindi ba pareho lang naman yun?," ang pahayag ni Anavee sa kaniyang Facebook account.
Ayon pa sa kapatid ng kadete, 9-0 ang naging desisyon ng Honor Committee pabor sa dismissal nito.
Sa Marso sana ang graduation ni Cudia at magtatapos ito nang may honor.
Sa ngayon, patuloy na kumakalat sa mga social networking sites ang kaso ni Cudia. With a report from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37 (Photo from Avee Acudia's Facebook account)
PANAWAGAN SA PMA NA HUWAG
IPAGKAIT ANG HONOR AT GRADUATION KAY CADET CUDIA
Arestil FamorPolice Digest sa FB
From
the album: Timeline Photos
By Avee Cudia
By Avee Cudia
PANAWAGAN SA PMA NA
HUWAG IPAGKAIT ANG HONOR AT GRADUATION KAY CADET CUDIA
Balita ko po 2 MILLION PESOS ang ginagastos ng gobyerno para sa mga kadete ng PMA pero bakit basta-basta na lang sila pinapa-alis?
Ang kapatid ko ay si Aldrin Jeff Cudia na NUMBER 2 sa Class 2014, top sa Navy Class, ang Deputy Baron. Tiniis ang pahirap sa PMA upang makatapos ng pag-aaral ngunit ngayon dahil lamang nahuli ng DALAWANG MINUTO sa isang klase ay hindi siya papayagang mag-graduate?
Ang pamilya namin ay taga Arayat, Pampanga, maralita lamang kami ngunit iginapang ng aking magulang ang aming pag-aaral. Napakatindi ng hirap ng buhay kolehiyo naming apat na magkakapatid.
Kami po yung mga estudyante na pumapasok sa eskwelahan na walang laman ang tiyan pero pumapasok pa din. Dahil gusto namin matuto at makapagtapos.
Kami po yung bente pesos lang ang baon (dose pesos na pamasahe, otso pesos pambili ng kendi. Wag na magpaxerox, isulat na lang ng buo ang pahina.).
Kami po ung rumaraket magkapera lang pansuporta sa pa xerox at project na kelangan sa eskwelahan. Tubig lang baon ni pambili ng biskwit eh wala.
Pero nakatapos na po ang dalawa sa amin, naging dean's lister pa at nakapasa sa board exam. Salamat sa magulang namin na ginapang kami, binenta ang mga alahas at lupa ultimo wedding ring at college ring makapagtapos lamang kami.
Salamat sa mga taong nagpautang sa amin at sa Diyos Ama na binigyan kmi ng MATIBAY NA PAGPAPAHALAGA SA EDUKASYON.
Si Aldrin Jeff na aking kapatid ay unang pumasok sa PUP bilang iskolar ng BS Accountancy. Alam nyo po ba na kahit P666 lang ang tution fee ni Aldrin sa PUP ay muntikan na syang matigil sa pagaaral? Nilalakad nya lang ang PUP mula sa tinutuluyan namin sa Balic-Balic, Sampaloc.
Dahil pangarap ni Aldrin Jeff ang magsilbi sa bayan bilang sundalo (kagaya ng aming tatay) siya ay pumasok sa PMA. Nabawasan na rin ang pabigat sa aking magulang dahil libre duon,
Dinanas ni Aldrin ang lahat ng pahirap. Sa pagsikikap nya sa pag-aaaral ay nasira ang kanyang mga mata at kailangan manalamin. Sabi ko sa kanya, kung ayaw na nya sabihin nya lang. Ang sagot nya ay ganito : "Ate, ok naman ako dito. May sarili akong kama na malambot." Natutulog lang kasi sya sa upuan na mahaba buong buhay nya sa kolehiyo. Nais din niyang makatapos sa PMA upang maipagamot ang libre ang nanay namin sa VLuna Hospital.
Pinagsabihan ko siya na huwag na siya magsikap na maging top student dahil alam kong mapapansin siya at maaaring pag-initan.Pero hindi mapigilan ang ang pagmamahal nya sa pag aaral kaya siya ay dapat magtapos bilang TOP 2 sa class 2014 ng PMA.
Kilala siyang matulungin. Hindi agad agad umuuwi kapag bakasyon upang tulungan ang iba na kailangan mag-removals. Lima na sa kanyang propesor ang nagsasabi na isa siya sa mga kakaunting huwaran sa academic excellence. Magaling pa siya magsulat. Wala silang masasabing pandaraya na kanyang ginawa.
Ngayon ay isang buwan na syang nakakulong sa holding center... Pinapag resign na sya... Pinapaalis... Pero ayaw nya dahil NILALABAN nya ANG TAMA, DANGAL AT PRINSIPYO NYA. Daig pa nya si Napoles. Bawal ang bisita kahit kadete o pati chaplain ng PMA. Inanunsiyo na ng kanilang Commandant na dismissed na siya. At ito ay dahil lamang NAHULI SIYA NG 2 MINUTO SA KLASE.
Nang nangyari ito, binigyan siya ng 11 demerits at 13 hours of touring at ginawa niya ito. Nilapitan ng kapatid ko ang kanyang tactical officer upang mag-appeal dahil ito ay karapatan nila at dahil hindi naman niya kasalanan ang nangyari. Sinabihan kasi siya at iba pang kadete ng kanilang propesor na maghintay sandali at may ibibigay na papel. Nang tinanong si Aldrin bakit siya nahuli, sabi niya sila ay nahuli ng pagdismiss ang propesor nila.
Sabi ng Honor Committee ay kasinungalingan daw yun at dapat daw ay sinabi niya "pinahintay kami ng propesor pagkatapos ng klase." Hindi ba pareho lang naman yun?
Dahil ang kasinungalingan daw ay violation ng honor code, dismissal agad ang recommendation ng Honor Committee. Hindi nila pinansin ang written affidavit ng propesor na nagsasabi na tama ang sabi ni Aldrin Jeff na nahuli ang pagdismiss sa kanila. At bakit naman magsisinungaling ang kapatid ko at gagawa ng bagay na ikahahadlang ng kanyang graduation at makamtan ang matangal na niyang pangarap na magsilbi sa bayan bilang sundalo?
Kung sinasabi nyo na nagsisinungaling ang kapatid ko, pati ba yung PROPESOR nila nagsabi na tama ang sabi ni Aldrin ay nagsisinungaling din? Siya ay pinatawan ng 13 oras ng touring at 11 demerits dahil sa late samantalang yung ibang kadete na nahuli din sa klase ay 8 demerits at 8 hours of touring lang. Swerte nila dahil nakita nila ang ginawa kay Aldrin kaya isinulat nila ang gustong marinig ng Honor Committee.
Kasalanan ba ng kapatid ko na hindi sya articulate sa pagpapaliwanag at hindi niya nahulaan ang gustong marinig ng Honor Committee?
Napag-initan si Aldrin ng kanyang tactical officer kaya naging makitid ang kanyang pag-iisip sa pagpataw ng kaparusahan. Siya lang ang titser na nagbigay ng mababang grado sa kapatid ko dahil matanong siya sa klase. Bata pa lamang si Aldrin ay palatanong na at palabasa pa. Masama na po pala ang magtanong. Ang masaklap ay HINDI SYA KINAUSAP ng mga matataas na opisyal sa PMA at nakinig lamang sa tactical officer at sa Honor Committee.
Isa pang di namin MATANGGAP, bakit ayaw nyong buksan muli ang kaso? Ano ang tinatakpan nyo? Bakit minamadali nyong paalisin ang kapatid ko kahit nalaman na hindi pala unanimous ang boto ng Honor Committee? Hindi ba nasa honor code na dapat ay lahat boboto ng guilty upang magpataw ng verdict na dismissal?
Ang nangyari pala sa botohan ay may isang botong tumutol. Ang ginawa ay pinagkaisahan siya para mapilitan nyang palitan ang boto. At hindi ito sinulat sa minutes ng meeting at sinabing 9-0 ang botohan.
Nasa Academy pa lang corrupt na at marunong nang magdagdag-bawas!
Lahat ng nakabasa ng APPEAL ng kapatid ko, tingin nila TAMA AT WALANG GINAWA ANG KAPATID KO. Di ba nga kasi ang turo nyo ay SUMUNOD SA UTOS NG NAKAKATAAS? Hindi ba nakakataas ung propesor na nagutos sa kanya?
BUKAS, iaannounce na ang mga TOP 10 NG pma. Sa February 20, simula na ng OJT nila. Pero lahat ng yon at ang mga pinaghirapan nya ng 4 na taon mawawala ng parang bula.
ASAN NA ANG TUWID NA LANDAS NI PNOY? Sya pa naman ang speaker nyo sa pagtatapos. Kung nasa PMA pa lang ay baluktot na ang hustisiya at hinahayaan ang kasinungalingan, paano pa kung nasa labas na ang mga PMA graduates? Nasaan ang dangal dito?
Lalaban kami... Fight the good fight of faith... Nagpapalakas sa amin ang MADAMING TAONG tumutulong at nagdadasal para samin. Kung matalo man kami, madaming tao na ang nakakaalam ng nangyari.
Kung gayon, hindi lang ang kinabukasan ng kapatid at pamilya ko ang NINAKAW NYO. Pati pagpapagamot ng NANAY KO!
Naniniwala po ako sa hustisya. Kung di man namin makuha sa INYO yun, pag dating ng panahon na haharap na tayo sa LUMIKHA, Sana masabi nyo pa rin na TAMA ANG GINAWA NYO.
Sa DIYOS na ang hustisya.
Makarating sana po toh sa kinauukulan ng PMA, AFP at sa buong bayan.
Saloobin ko po ito bilang pamilya ni Aldrin.
Salamat po.
Lubos na gumagalang;
Annavee Cudia
#justice4aldrin

No comments:
Post a Comment