Wednesday, November 27, 2013

Mayor ng Pangasinan, Anak inaresto ng NBI dahil sa mga Armas

Urbiztondo Mayor Ernesto Balalong resisted the handcuffed
of the operatives of the National Bureau of Investigation.
"Ano ang ground niyo na hulihin ako. Lahat ng baril ko
may licensiya,"he protested to NBI-NCR Regional
 Director Vicente De Guzman (not seen on the

photo).
(Update) DAGUPAN CITY - Nagkaroon ng tensyon sa bayan ng Urbiztondo matapos posasan bago binitbit ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) National Capital Region si Mayor Ernesto Balolong Jr. patungo sa Metro Manila.
The cache of high powered firearms. Mayor Balolong showed to
the NBI operatives that all of them have corresponding
licenses.

Napag-alaman ng Bombo Radyo Dagupan na tumanggi ang alkalde na sumama ng maayos sa mga ito kasabay ng pagkakumpiska sa matataas na kalibre ng baril, bala at magazine sa loob ng kanyang bahay sa isinagawang pagsalakay kaninang madaling araw.

Napilitan ang mga taga-NBI na posasan ang alkalde matapos itong magmatigas na sumama ng maayos sa kanila kung saan nagsuot pa ito ng bullet proof vest na naging dahilan para tumaas ang tensyon sa pag-aakalang mauwi ito sa barilan.

Wala ring nagawa ang chief of police ng Urbiztondo police station nang igiit ni NBI-NCR Regional Director Vicente De Guzman na dapat dalhin ang alkalde sa Maynila para sa masusing imbestigasyon dahil sa pagkakanlong nito ng matatas na kalibre ng baril at bala.
Mayor Balolong (right) and son, a town councilor, protested
vehemently to the media the regularity of their arrest where
the NBI handcuffed them for their travel from Pangasinan
to Manila.

Binalewala rin ng NBI ang 18 firearm license card na ipinakita ng mayor para sa mga kinumpiskang armas dahil malaki ang kanilang hinala na marami pang iligal na armas ang itinatago ng opisyal.

Nanindigan ang mga taga-NBI na hindi otorisado ang isang alkalde ng bayan na magtago ng marami at matataas na kalibre ng armas gaya ng ginagawa ni Mayor Balolong.

Dahil dito, sapilitang isinakay sa van ang mayor na nakaposas kasama ang isa nitong anak na tumangging ding dalhin ng mga taga-NBI ang kanyang ama.

Ang bodyguard ni Balolong ay iniugnay sa pagpatay noong 2012 kay dating Lingayen Vice Mayor Ramon Arcinue at misis na si Brgy. Chairwoman Zorayda Arcinue.

Ang mag-asawang Arcinue ay una nang tinambangan sa Binmaley, Pangasinan pero nakaligtas.

Hanggang sa matiyempuhan ang dalawa ng mga suspek sa Sampaloc, lungsod ng  Maynila at doon na napuruhan.

Ang mayor ay nahulihan na rin ng mga armas noon pero na-dismiss ang kaso dahil sa teknikalidad.
- See more at: http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/33511-mayor-sa-pangasinan-at-anak-inaresto-ng-nbi-dahil-sa-raid-sa-mga-armas (BOMBO RADYO NEWS)

No comments:

Post a Comment