Tuesday, April 16, 2013

Villar: Tulungan ang Pinoy Voters sa Ibang Bansa

Former Congresswoman Cynthia Villar

NANAWAGAN si Nacionalista Party-Team PNoy senatorial candidate Cynthia Villar sa Philippine embassy at consulate personnel sa ibang bansa na ibigay ang lahat ng tulong na maaaring maipagkaloob sa Overseas Filipino Workers (OFW) sa pagdaraos ng Overseas Absentee Voting (OAV) simula sa Sabado, Abril 13.
 “Nakikiusap kami sa lahat ng opisyales at tauhan ng Philippine embassies at consulate offices na tulungan ang may 900,000 Pinoy na nasa iba’t-ibang panig ng mundo at kuwalipikadong bumoto sa ilalim ng absentee voting law,” ani Villar.
Sinabi ni Villar na matagal na nilang isinusulong ng kanyang asawang si Sen. Manny Villar ang pagkakaloob sa ating mga kababayan sa ibang bansa na makaboto sa ating national elections.
 “Batid namin na noong mga nakaraang halalan, marami sa ating mga manggagawa ss ibang bansa ang hindi nakaboto bagamat’t kuwalipikado dahil sa mga problema sa kanilang kinaroroonang lugar,” ani Villar na naging kongresista ng Las Pinas sa loob ng siyam na taon.
 Ayon kay Villar, na kilala sa bansag na “Misis Hanep Buhay,” umaasa sila na mas marami nating kababayan na nasa ibang bansa ang makaboboto upang hirangin ang magiging lider ng kanilang bansa.
 “Ang pagbibigay ng karapatan sa OFWs na makaboto sa halalan ay isang paraan ng pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansa,” sabi pa ni Villar. “Sila ang ating makabagong bayani at sa pamamagitan ng kanilang ipinadadalang pera, napananatili nating malakas ang ating ekonomiya,” dagdag pa niya. Kasabay nito, binigyan diin ni Villar na kailangang tiyakin ng Comelec at Department of Foreign Affairs (DFA) personnel na ang magiging matapat, malinis at mapayapa ang pagdaraos ng ating halalan upang mapanatili ang integridad ng prosesong ito.
Ipinahayag din ni Villar na lubos siyang nagagalak sa paghahanda at information drive na ginagawa ng Comelec at DFA.
Pero aniya, hindi siya masosopresa sa pagsulpot ng ‘last-minute problems” sa mga polling precints sa ibang bansa. Sa ilalim ng OAV Act, inaatasan ang Filipino officials sa embassies at consulate offices na ibigay ang lahat ng tulong para himukin ang ating OFWs na bumoto. Sinabi ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle na may 900,000 Filipinos sa ibang bansa ang nakatakdang bumoto simula Sabado.
Ayon  pa kay Tagle, chairman ng Comelec Committee on Overseas Absentee Voting (COAV), ang mga Pilipino sa Hongkong ang kauna-unahang boboto sa abroad gamit ang automated machines. Sila ay susundan ng mga kababayan natin sa Riyadh, Saudi Arabia at pagkatapos ay yaong nasa United Arab Emirates. Ang OAV ay isasagawa sa Linggo sa Bayanihan Center sa Victoria Road, Kennedy Town at sa Philippine embassy sa D3 Collector Road C Diplomatic, Riyadh.
 Ang mga Pilipino sa UAE ay boboto naman sa Philippine embassy sa Al Bateen, Abu Dhabi.
Pinili ng Comelec na isagawa ang automated polls sa mga lugar kung saan maraming botatanteng Pilipino. Ito ay ang mga sumusunod: Hong Kong , 83,118 botante; Singapore; 50,063; Abu Dahbi, 55,842; Jeddah, 30,328; Kuwait, 30,468; Riyadh, 53,396 at Abu Dhabi, 21,645.

1 comment:

  1. Plastic Ka cynthia Villar! tandaan mo ung pag mamaliit mo sa mga kakayahan ng pinoy nurses..wala ka maasahang boto sa amin..

    ReplyDelete