Tuesday, April 9, 2013
SA DEBATE SA BOMBO: Gob Espino nabahag ang buntot!
Hindi sumipot si reelectionist Gov. Amado T. Espino J.r sa pinakauna at pinakaaabangang debate sa Bombo Radyo Dagupan noong Sabado, dahilan upang umiskor ng malaking puntos ang kanyang mahigpit na kalaban sa pagka-gobernador na si Alaminos City Mayor Hernani Braganza.
Ang debate ay inorganisa ng Commission on Elections, Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas, PPCRV at ng Bombo Radyo Philippines upang bigyan ang mga kandidato sa Pangasinan at siyudad ng Dagupan ng pagkakataong iprisinta ang kanilang plataporma de gobyerno at sagutin ang mga maiinit na isyus na kinakaharap nila.
Marami sa mga Pangasinenses, maging ang mga organizers, na umantabay sa debate ay dismayado sa hindi pagsipot ni Espino ngunit nalugod na rin sa isang banda dahil kanilang narinig ang maliwanag na plano ni Braganza para sa tunay na pagunlad ng lalawigan ng Pangasinan.
PANGIT POINTS
Ayon sa mga mamamahayag sa radyo, TV, at pahayagan, isang malaking minus factor kay Espino ang ginawang pag-isnab niya sa debate, dahil lumalabas na iniiwasan o hindi niya kayang sagutin ang mga mabibigat na isyung ipinupukol sa kanya.
Pangunahin dito ang umano’y pagkakasangkot niya sa iligal na sugal na jueteng, black sand mining sa Lingayen, at San Fabian at pagpatay kay Mayor Ruperto Martinez ng bayan ng Infanta.
“Mas naniniwala ngayon ang maraming mamamayan ng Pangasinan na mas mapagkakatiwalaang pinuno ng lalawigang Pangasinan si Braganza dahil mag-isa at direkta niyang hinarap at sinagot ang lahat ng mga katanungan ng mga panelista,” ayon kay aling Rosalinda Manuel, isang guro sa bayan ng Sison, Pangasinan.
PANGASINAN MUNA, HINDI BULSA MUNA
Umani naman ng maraming “Pogi Points” si Braganza sa kanyang maliwanag na development plan para tuluyan ng magtake-off ang lalawigan ng Pangasinan na ayon sa kanya ay “napag-iwanan na ng mga lalawigan katulad ng Cebu at Davao.”
Aniya mayaman ang natural at human resources ng lalawigan ngunit hindi ito napapakinabangang mabuti dahil mas inuuna pa ng gobernador ang sarili nitong pakinabang.
“Patunayan ni Espino na wala siyang nakaw na yaman, hinahamon ko siyang na sabay naming ilabas ang aming Statement of Assets and Liabilities (SALN) para makita ng aming mga kababayan kung sino ang nagpayaman sa posisyon.
GIANT PROJECTS, HINDI GHOST PROJECTS
Ipinagmalaki din ni Braganza ang ilan sa kanyang “giant projects” na aniya ay dahilan ng mabilis na pag-unlad ng Alaminos gaya ng mga sumusunod:
1. Pangasinan State University (Alaminos City Campus) 2. Gawad Kalinga Eco-Village 3. E-Kawayan Factory 4. Hundred Islands Services Complex 5. Convention Center and Hotel 6. Alaminos City Development Airport 7. Computer Laboratories with free internet in all barangays
2 BILYONG PISO, UTANG NG LALAWIGAN
Ibinunyag ni Braganza sa debate na ang lalawigan ng Pangasinan ngayon ay may P2 Bilyon utang kaya ipinilit ni Espino at kanyang mga kakampi sa Sangguniang Panlalawigan na ipatupad ang 300 porsyentong pagtaas sa pagbabayad ng Real Property Taxes.
Noong tumakbo siyang gobernador noong 2007, binatikos niya ang 300 milyong pisong utang ng lalawigan sa ilalim ni dating gobernador Victor E. Agbayani.
Ngunit sa kanyang panunungkulan, nagkaroon ng 2 bilyong pisong utang ang ating lalawigan, ani Braganza. MORE PUBLIC DEBATES
Ayon naman sa isang iskolar na si Engelbert Maramba ng Calasiao, “katulad ng mga inaabangang public debates ng mga lumalabang pangulo sa Amerika, ang debate ang pangunahing batayan ng mga botante sa pagpili ng mahusay at tapat na pinuno.” “Kung sa America ginanap ang debateng ‘yan at hindi sumipot si Espino, siguradong talo na siya sa eleksyon,” dagdag ni Maramba (Pangasinan Muna).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment