Saturday, October 15, 2011

2 notorious drug pushers laglag sa Pangasinan

By Sec. Antonio "Bebot" Villar, Jr.
Chairman, Dangerous Drugs Board


SINADYA natin kahapon ng bago mananghali ang Dangerous Drugs Board-European Union Treatment & Rehabilitation Center (DDB-EU TRC) upang ibigay ang ating pangakong tulong.  Nagkaloob tayo ng 40 solohang higaan para sa mga pasyente at konting halaga upang maipambili ng kanilang bigas.  Muli akong nangako na ako ay magbibigay ng kanilang buwanang bigas upang makabawas sa gastosin ng center.

Kasama ko rin ang ilang opisyal at mga tauhan ng DDB na kinabibilangan nina Usec. Rommel L. Garcia, M.D., Permanent Board Member at vice chairman, DDB; Usec. Edgar C. Galvante, Permanent Board Member at OIC-executive director ng DDB Secretariat at Dr.
Benjamin Reyes ng Department of Health (DOH).

Hangad natin ang patuloy na pag-ooperate ng rehab na ito sapagkat marami ang nagpapatotoo sa atin na maganda ang programa rito bagamat limitado lamang ang bilang ng pasyente at maraming kakulangan sa pasilidades nito.

Saludo ako sa AFADA na siyang boluntaryong tumutulong upang patuloy na tumakbo ang rehab na ito.  Huwag kayong mapagod sa pagtulong sapagkat hindi rin ako nawawalan ng pag-asa na ang rehab ay magkakamit ng kinakailangang tulong sa mga darating na panahon.

****

Siniguro ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) na matibay ang kaso laban sa dalawang young actors at tatlong barkada ng mga ito. Magugunita na nadakip ang mga aktor na sina Vivo Ouano, edad 21, at si Jericho Rizalado, edad 22, sa isang sting operation sa Antipolo City kamakailan.

Ayon sa mga awtoridad, hindi naputol ang “chain of evidence” sa pagsasagawa nila ng operasyon kaya’t umaasa silang magbubunga ang kaso kontra sa limang suspects.

Ang mga suspects ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. Batay sa report ng PNP-AIDSOTF, nakumpiska mula sa kanila ang 527
tablets ng assorted illegal drugs. Kabilang dito umano ang weight-reducing drug na tinatawag na Bangkok Pills.

Alam nating lahat na talamak ang kalakalan ng ileigal na droga sa showbiz. Marami nang sikat na mga entertainers at mga rising stars ang nasira ang careers, pati na ang buhay, dahil sa droga.

Dapat lamang tugisin ng mga awtoridad ang mga aktor at aktres na involved sa droga upang hindi na maka-impluwensya pa. Madalas po kasing pinama-marisan ng mga fans ang kanilang paboritong showbiz personalities.

****

Inabot na rin ng mahabang kamay ng batas ang dalawang notorious drug pushers sa probinsya ng Pangasinan. Sila ay inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang magkahiwalay na buy-bust operations sa Urdaneta nitong nakaraang October 5.

Ang dalawang suspects ay kinilalang sina Jonery Lambino, alias Bonsai at Andy Quiocho, alias Bruno Pangon, na kilala bilang second at third most wanted drug personalities sa aming probinsya.

Kapwa hindi pipitsuging shabu pushers ang mga suspects na ito kaya ang kanilang pagkaka-aresto ay maituturing na malaking tagumpay sa ating kampanya kontra sa iligal na droga sa Pangasinan.

Umaasa tayo na sa kanilang pagkaka-aresto ay mababawasan ang supply ng shabu sa lalawigan. Kumpyansa ako na pagbubutihin din ng PDEA ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspects para hindi na makapaminsala pa ang mga ito.

Ang pag-aresto sa mga drug pushers ay unang hakbang lamang tungo sa pagkamit ng hustisya. Ang susunod na hakbang ay ang pagsampa ng kaso upang tuluyang madiin ang mga suspects. Kailangan matibay at malinis ang pagsampa ng kaso upang mahantong sa guilty verdict na siyang magtutuloy naman sa pagkaka-kulong ng mga nagkasala.

Madalas nakakalusot ang mga suspects dahil mayroon nakikitang butas ang
defense lawyer sa kasong isinampa ng mga awtoridad. Ang isang maliit na teknikalidad ay maaaring mauwi sa paglaya ng suspect kahit huling-huli na ito sa akto ng pagbebenta ng droga. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari kailangan ng ating mga law enforcers ay mayroon malalim na pag-unawa sa mga batas at hindi bara-bara lang!

Mayroon din pagkakataon na nasu-suhulan ang mga pulis. Kapag hindi na sumisipot sa court hearings ang arresting officers, alam mo na kaagad na silaý nasilaw na sa pera!

Malalim po kasi ang mga bulsa ng drug lords kaya maliit na bagay lang sa kanila ang maglabas ng milyun-milyong piso bilang bribe money. Kayang- kaya din nilang bilhin ang serbisyo ng pinakamatitinik na abogado!

Subalit kung magiging desidido ang ating mga alagad ng batas, alam ko na posibleng tuldukan ang operasyon ng drug syndicates! Kailangan lamang mahasa ng mabuti ang pag-unawa ng ating mga law enforcers sa legal procedures. At higit sa lahat iwasan na ipagpalit nila ang kanilang karangalan sa salapi!

Sana po hindi na maulit ang malungkot na kaso ng Alabang Boys.

****

Maganda ang ideya ni Customs
Commissioner Rufino Biazon na ipa-subasta na lamang ang mga overstaying cargo sa warehouses sa Port of Manila.

Pati ang Federation of Philippine Industries (FPI) ay sumusuporta sa panukalang ito sa harap ng mababang koleksyon ng customs bureau. Malaki talaga ang maitutulong nito upang punan ang collection shortfall ng BOC. Mabuti nang mapakinabangan ang nasabing mga cargo bago pa tuluyang mabulok sa loob ng bodega.

Hiling lamang nina FPI chairman Jess Arranza, kung isusubasta ang mga unclaimed cargo, bigyan sana ang mga apektadong local industries ng unang pagkakataon mag-bid para dito.

Ito aniya ay para hindi na maka-abala ang mga produktong ito sa mga local manufacturers. Ipinaliwanag ni Arranza na dapat maiwasan na ang naturang mga produkto ay maka-kumpetisyon pa ng legitimate locally-made products.

Sa aking palagay, wasto lamang na ating protektahan din ang mga lokal na negosyante sa pag-baha ng suspicious unclaimed cargo. Dapat pag-aralan mabuti ng BOC kung paano mailalabas sa merkado ang mga kargamentong ito ng hindi nakaka-pinsala sa ating manufacturing sector. Tiwala ako na posibleng pag-balansehin ang interes ng gobyerno at interes ng FPI.

Sa aking pagkaka-alam, pati ang mga lokal na industriya ay sumusuporta sa panukalang ito sa harap ng mababang koleksyon ng customs bureau. Malaki talaga ang maitutulong nito upang punan ang collection shortfall ng BOC. Mabuti nang mapakinabangan ang nasabing mga cargo bago pa tuluyang mabulok sa loob ng bodega.

Hindi normal para sa isang lehitimong importer na i-abandona na lamang ang produkto na kanyang inangkat. Itoý tiyak na mahahantong sa malaking pagkalugi para sa imbestor. Kaya’t maaari tayong maghinala na iligal ang pinagmulan ng mga cargo na basta na lamang iiwanan ng importer.

Ayon kay Commissioner Biazon, nasa proseso pa lamang sila ng pag-i-imbentaryo ng nasabing mga overstaying cargo. Kabilang pa pala dito ang ilang
luxury vehicles. Tiyak maraming mga anomalya ang madidiskubre ng bagong customs chief habang lumalalim ang kanyang imbestigasyon sa mga kargamentong ito!

Sa totoo lang, nasa PASG pa ako, hiniling ko nang buksan ang humigit-kumulang sa 2,000 containers para imbentaryuhin at ipa-subasta para sa karagdagang kita ng gobyerno.

Pero sa loob ng tatlong taon ko sa PASG, ang mga ito ay hindi pinabuksan! Commissioner, hindi kaya wala nang laman ang mga container na ’yan??? Isa lamang ito sa maraming hokus-pokus sa Bureau of Customs!

Sana lang sa pagdating mo commissioner, mahinto na po ang mga hokus pokus diyan sa Bureau of Customs!

****

Sa aking pagbiyahe kahapon mula sa Fairview hanggang sa Commonwealth, napansin ko ang mabibilis na pagtakbo ng mga sasakyan partikular ang mga taxi!

Napansin ko rin na tila walang mga bantay na pulis at MMDA traffic enforcers sa lugar na ito kung kaya’t ang 60 kph ay hindi tinutupad sa lugar na ito! Kunwari lang ba ang batas ukol dito?

O ningas-cogon lamang na kilalang sakit na ng mga Pilipino??

(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa wagkukurap_101@yahoo.com.ph This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )

No comments:

Post a Comment