Thursday, March 28, 2024

Walang Away sina Guv Monmon, Cong. Mark, Manay Gina

 

MAGKA TEXTMATES PA RIN SILA

By Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan – Walang katuturan ang mga intrigang nagsisilabasan at kumakalat sa social media at sa mga kuwentuhan sa tabi-tabi na may hidwaan ang mga malalaking personalidad sa Pangasinan.

Mga fake news writers sa Facebook, bloggers at mga marites ay sila ang mga nagkakalat na may away sina Pangasinan 2nd District Congressman Mark Cojuangco at comebacking Pangasinan 4th District congressional candidate Gina de Venecia kay Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico.

BIGWIGS. From left photo and clockwise: Pangasinan Governor Ramon V. Guico III, Pangasinan 2nd District Cong. Mark Cojuangco, and former Pangasinan 4th District Rep. Gina de Venecia.

Noong sinabi ng writer na ito kay Governor Guico na binati siya ni Cong. Cojuangco ng “Happy Birthday” noong March 19 sa Facebook Page ng huli, pinakita ni Guico  ang text message ni Cojuangco at ang pasalamat ng huli sa pagpuri sa kanya na kasama sa Aguila noong nakipagbuno at nilupig nila ang pamamayagpag ng political family Espino sa probinsiya.

“Pagbati sa iyong maligayang kaarawan, Gov. Ramon Mon-Mon Guico III! Lubos akong nagpapasalamat sa iyong suporta at nakahahawang dedikasyong manilbihan para sa bawat residente ng buong Pangasinan. Isa kang tunay na inspirasyon para sa akin at sa iba pa nating kapwa-lingkod-bayan. Mula sa Distrito Dos, hiling namin ang iyong kasiyahan, mabuting kalusugan, at mas mahaba pang panahon para sa'yong tapat na serbisyo dito sa ating probinsya. Muli, happy-happy birthday, Gov. Mon-Mon!” sulat ni Cong. Cojuangco sa Facebook.

INTRIGA

Nagsimula ang intrigang may hidwaan sina Cojuangco at Guico noong September 14, 2023 noong imbestigahan ng mga miyembro ng provincial board kung saan andoon din ang gobernador sa pinapatayo na 920 meters’ sea walls ng Pangasinan 2nd District Engineering Office ng Department of Public Works & Highway (DPWH).

Ang proyekto ay panukala ni Cojuangco para matigil na ang pagbaha sa kahabaan ng baybayin ng Lingayen at Binmaley towns.

HUWAG IMBITAHIN

Noong na scooped at naging screaming headline ng Northern Watch Newspaper na Politician Marching Order: Don’t Invite the Guicos at R1MC noong sinabi ni Governor Guico noong February 14, 2024 sa isang press conference dito na pinagbabawalan na sila na dumalo sa kaganapan sa regional hospital sa Dagupan City. Ang balita ay may kasamang larawan kung saan si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, former House Speaker Jose de Venecia, Pangasinan 4th District Cong. Christopher de Venecia at kanyang inang si former Congresswoman Gina ay may ribbon cutting sa pagbukas ng bagong Center for Disease Prevention and Control sa nasabing ospital sa Dagupan City.

Akala ng karamihan ay tuluyang naghiwalay na si Governor at Gina de Venecia at ang kanyang anak na si exiting 4th District Rep. Toff de Venecia.

“Merong instruction: huwag imbitahan ang mga Guicos. Pero lahat ng inilagay doon sa property sa Arellano, Dagupan City ipangalan mo sa probinsiya kasi ang lupa ay titulado sa provincial of Pangasinan. Legally sa probinsiya po iyon..,” ani Guico sa mga reporters sa isang presser na ginanap sa umaga ng Februay 14 sa launching ng Center for the Lifelong Learning (CELL) ng Pangasinan Polytechnic College sa Narciso Ramos Sports and Civic Center Complex dito.

TEXT MATE PA RIN

Ani Guico sa palitan sa writer na ito sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong gabi ng March 22 sa Sison, Auditorium dito Capitol: Hindi lang si Gina de Venecia kung hindi pati na rin ang anak niyang congressman ay bumati sa pamamagitan ng texts sa gobernador sa kaarawan niya.

NANG IINTRIGA

Noong nipasinayaan ng gobernador at ni San Miguel Corporation President at Chief Executive Officer Ramon Ang noong March 21 ang ground breaking ceremony ng P34 billion first phase ng halos 43 kilometro na expressway sa eastern at central Pangasinan sa Brgy. Baligi, Laoac sa Pangasinan, may mga media men na nag titext sa writer na ito kung andoon si business magnate Cezar T. Quiambao matapos nilang makita ang mga naunang ni post niya sa Facebook kung saan makikita sa stage sina Ang, Gov. Guico, amang si Commission on Appointment Vice Chairman at Pangasinan 5th District Cong. Ramon “Monching” Guico, Jr., at Pangasinan Vice Governor Mark Lambino.

“Andiyan ba si (former Bayambang) Mayor Cezar Quiambao?’’ tanong noong isa.

Kasi pag wala, iintrigahin na naman nilang may away talaga sila Quiambao at Cojuangco kontra kay Guico na kung saan magkasama silang ni wakasan ang paghahari ng mga Espino sa Pangasinan.

“Andito nasa harapang upuan,” ani ng writer na ito kung saan nakita niyang nakaupo roon si Mayor Cezar.

Iyong ibang kritiko ng gobernador ay nagpapadala pa ng music video sa Facebook na may titulong: "Paalam" kung saan naghiwalay na si Cong. Mark kena Governor Monmon at ama niyang si Cong. Monching.

Intriga talaga.

Iba sa mga kritikong ito ay nagpapalabas ng tsismis na tatakbong gobernador si Cong. Mark sa May 2025 election at ang kanyang vice governor tandem ay si dating governor Pogi Espino o ang kanyang amang si ex-governor Amado.

Hindi totoo iyan!” ani ng isang mataas na opisyla sa Capitol sa writer na ito.

“Walang Cojuangco at Espino na tatakbong gobernador sa susunod na eleksiyon. Walang sapat na pondo ang mga Espino na labanan si Governor Monmon matapos silang lumpuhin sa palakihan ng campaign fund noong huling eleksiyon,” may kumpiyansang pagsambit niya.

No comments:

Post a Comment