LINGAYEN, Pangasinan - Nakakaantabay ang buong pwersa ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) sa capital town na ito katuwang ang Municipal Rural Health Unit (RHU), Bureau of Fire Protection (BFP) - Lingayen, at Philippine National Police (PNP)-Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Mayroon nakatalaga sa bayan na limang (5) Medical Stations kung saan sila ay nakabantay sa Brgy. Poblacion, Brgy. Maniboc/ Pangapisan North (El Puerto Marina), Brgy. Libsong West (PMR), Brgy. Libsong East (near at YRS) at Brgy. Estanza. Bukod dito ang administrasyong Bataoil ay may Incident Command Post sa LDRRMO sa Sub Station 1 sa Brgy. Maniboc.
Layunin ng local
government unit dito ang ligtas, matiwasay at makabuluhang pag gunita sa Semana
Santa 2024.
“Mag Ingat po
tayong lahat. Say too ya preparado, Alerto tan Alisto Arawi ed Risgo,” ani ng Lingayen Information Office.
No comments:
Post a Comment