By Mortz C. Ortigoza
Sinabi ko na noon pa na limitado ang resupply mission ng mga
barkong civilian na ni rentahan para maghatid ng mga probisyon sa mga Marines
na nagbabantay sa 2nd Ayongin Shoal, Spratly Islands sa pamamagitan
ng nabubulok na BRP Sierra Madre.
Tingnan ninyo ang panibagong pangha-harass ng mga coast guard at militia ships ng Intsik. Nakita ko kanina sa TV kung paano hinaharangan ng dalawang malalaking coastguard ships ng China ang di makapalag na barko ng coast guard natin habang binabangga at binobomba nila ng tubig dagat ang daanan. Apat na Pilipino ang nasaktan diyan. Pinakita pa sa TV na nabasag ang ilang salamin ng nirentahan na resupply ship natin dahil sa pagbangga. Kahit na naging matagumpay ang pag ayuda sa mga Marines halos bumaliktad naman siya sa lakas ng tama ng tubig galing sa militia ship ng China.
A C-130 Hercules aircraft makes a Low-Altitude Parachute Extraction System (LAPES) supply drop at Jo Ju Air Strip during the joint Korean-U.S Military Exercise. (Wikipedia)
AYUDAHAN NG SEMENTO, BAKAL
Hindi habambuhay na ganito ang istratehiya natin tapos
limitado pa ang supply na puweding ihatid natin doon. Dapat bagsakan ng mga
bakal, semento at buhangin ang dating barkong pandigma natin na bigay pa ng
Kano na sinadsad noong 1999 noong administrasyon ni President Joseph Estrada.
Dapat palakihin at patibayin natin ang outpost natin para habambuhay na
tayo ang nakatengga doon.
Nabubulok na siya at iyan ang gusto ng mga Intsik na balang
araw babagsak iyan at wala ng matirhan ang mga sundalo natin. Pag nagkataon,
isa na namang ehemplo ng kapalpakan at kawalang inisyatiba ng mga taga gobyerno
natin matapos maagaw ng China ang
Mischief Reef, Scarborough Shoal, at iba pang mga isla sa Spratly na kinuha na
ng China, Vietnam at Malaysia.
CABBAGE STRATEGY
Matatandaan niyo na noong May 28, 2013 may TV interview si Major
General Zhang Zhaozhong ng People’s Liberation Army na inilabas rin ng
China Daily Mail. Ito ang sinabi niya na Cabbage Strategy nila sa barko ng
Pinas sa Ayungin.
“We should do more such things in the future. For
those small islands, only a few troopers are able to station on each of them,
but there is no food or even drinking water there. If we carry out the
“cabbage” strategy, you will not be able to send food and drinking water onto
the islands. Without the supply for one or two weeks, the troopers stationed
there will leave the islands on their own. Once they have left, they will never
be able to come back. For many things, we have to grab the right timing to do them.
Over the past few years, we have made a series of achievements at the Nansha
Islands (the Spratly Islands), the greatest of which I think have been on the
Huangyan Island, Meiji Reef (Mischief Reef) and Ren’ai Shoal (Ayungin Shoal)”.
Nasa Inglis po
iyong salita ni General Zhang, di ko na ni translate sa Tagalog.
C-130 SOLUTION
Ang solusyon na sinabi ko ay gayahin ang Khe San aerial resupply
mission na ginawa noong U.S –Vietnam War.
Noong January 1968 ang outpost na bulubundukin sa Vietnam kung
saan nagkakampo ang 6,000 U.S Marines at South Vietnamese Rangers ay pinaligiran
at inatake ng 20,000 Vietcong at North Vietnamese Army. Ang kalsada na
dinadaanan ng supply ay naagaw ng mga kalaban tapos 98 percent ng 1,500 tons
(1.5 million kilos) na mga bala ng baril, machine gun, mortar, kanyon at anim
na transport at combat helicopters at ang runway nila ay nasira o sumabog sa
mga bala ng kanyon at mortar ng mga kalaban
LAPES AT GPES
Para maihatid ang mga pagkain, bala, armas, at mga troso para
sa sa mga sandbags at tirahan nila, sila ay gumamit ng low altitude parachute
extraction system (LAPES) o ng ground proximity extraction system (GPES) kung
saan ang C-130 cargo plane – eroplanong kaya magkarga ng tanke at six-by-six
military truck dahil kasama akong sumasakay minsan sa kanya noong bata pa ako
ng 1970s kasama ang tatay kong air force – ay baba at lilipad ng 5 feet at 130
knots. Sa loob ng eroplano ang load master ay magpapalabas ng extraction mini
parachute kung saan hahatakin ng hangin ito para umatras at lalabas ang cargo.
Isang paraan ng GPES ay ibabagsak ng load master ang kawit na bakal galing sa likod ng cargo door ng eroplano para kumalawit sa kable’ o arrester wire – parang iyong sa aircraft carrier –
na nag aantabay sa ilalim para hatakin ang pallet loads sa loob ng dambuhalang eroplano.
Dahil dito sa diskarte ng mga Merkano sila ay nagtagumpay sa
mga kalaban na inaakala ng huli ay mauulit ang March 13 – May 7 1954 Battle
of Dien Bien Phu kung saan natalo
at sumuko ang French colonizer sa mga bulubundukin na lugar malapit sa Ho Chi
Minh Trail sa Laos.
May apat tayong C-130 at bakit hindi natin ginagawa itong LAPES
at GPES para magsupply ng pagkain, semento, bakal, buhangin at mga armas sa
Ayungin Shoal.
Para sa kaalaman pala ng lahat, iyong LAPES ay ni master ng mga Kano sa Mactan Air Base, Cebu noong 1964 bago isabak ang mga C-130s nila sa Vietnam.
Hindi kayang bombahin ng tubig o pabagsakin ng mga Intsik sa
pamamagitan ng mga missiles nila itong mga malalaking eroplano dahil makakagiyera
nila ang superpower na Amerikano dahil sa 1951 Mutual Defense Agreement natin
sa huli.
Ang Article IV ng treaty ay nagsasaad na “Each Party recognizes that an armed attack
in the Pacific area on either of the Parties would be dangerous to its own
peace and safety and declares that it would act to meet the common dangers in
accordance with its constitutional processes”.
At para malaman ninyo iyang giyera sa Amerkano ang huling
gustong mangyari ng mga Intsik dahil sa Malacca Strait Dilemma nila. Basahin
niyo na lang ang sinulat ko “ANALYSIS:War Not Imminent on U.S vs China in PH, TW Seas” o
i-click ang https://wwwmortzcortigoza.blogspot.com/2023/08/analysis-war-not-imminent-bet-us-vs.html.
Gawin na natin itong proposal ko dahil nabubulok na ang
ghost ship natin, pag bumagsak iyan goodbye Ayungin Shoal thanks but no thanks
sa kapalpakan at kawalan ng bayag ng mga namumuno sa atin.
(Author is a Professor of Political Science in the Philippines and has a Master in Public Administration (MPA). He has been an Op-Ed Writer for more than two decades. He can be contacted at totomortz@yahoo.com).
No comments:
Post a Comment