By Mortz C. Ortigoza
Naimbitahan ako ni Pangasinan Public Information Office’s Chief Dhobbie de Guzman – dating top man ng ABS-CBN na may hawak ng Pampanga hanggang Ilocos Norte o kalahati ng Luzon – na sumali sa Q&A pagkatapos ng press presentation kamakailan ng mga biente na nagagandahang kandidata ng prestihiyosong Limgas ng Dayat sa Monarch Hotel sa Calasiao, Pangasinan.
Pangasinan First Lady Maan Tuazon-Guico and Urdaneta City Mayor Julio Rammy Parayno III. |
Ako’y napabilib noong nagsalita na ang maganda at matangkad
na Pangasinan First Lady Maan Tuazon – Guico - maybahay ni Governor Monmon Guico. Di
ko akalain na eloquent o magaling magsalita pala siya sa Inglis.
“Puede siyang maging reporter o anchor ng English cable TV channel's ANC gaya
nila Ginger Conejero, Gretchen Ho, at Gigi Grande o ng CNN-Philippines host gaya
nila Pinky Webb, Pia Hontiveros at Menchu Macapagal at iba pang anchors ng Pinas” ani ko kay Sto. Tomas Kapitan Tony Oculto – fan ng mga
Guicos - noong sumakay ako sa sasakyan niya habang binabaybay namin ang kahabaan ng national highway sa Binmaley.
Naalaala ko noong naghahatid pa ako ng tig isang sakong high
end Puyat na Davao Durian sa bahay ni Congressman Monmon at Madam Maan sa
Binalonan noong pumapayagpag pa ang Davao Fruits naming negosyo sa Dagupan
City, nakilala ko si Mrs. Guico noong tinanong niya ako kung anong gusto naming
lunch ni mister niya doon sa V.I.P lounge ng airport nila.
My impression now is she’s not only a doting housewife to
her husband and children but could be one of the most eloquent in the English
language intelligent mayors – we have a dearth of them in Pangasinan concerning eloquence- of
the gargantuan province in case she’ll be elected as the chief executive of
Urdaneta City in the next year's battle royal.
EXCHANGES OF NOTES
Sa isang huntahan sa function room ng Monarch - matapos ang
press con kasama ang mga Manila media at mga fashion vloggers at bloggers -
sinabi ni Mrs. Guico sa mga local media practitioners na workaholic siya
magmula pa noong alkalde ng Binalonan ang kanyang mister.
Napuntahan daw niya ang pinaka malayo at mga liblib na mga
pobreng pook sa Pangasinan na hindi pa napuntahan ng mister niya.
“The area doesn’t have
a clean water kung baga one opted to fix the water system there and do the charity and gave hygiene kits as well as some grocery packages for the family,”
aniya.
Naramdaman niya ang damdamin ng mga mahihirap dahil nakita
daw niya sa lugar nila sa Bacolor, Pampanga ang mga kalunos-lunos na sitwsyon ng mga dukha doon lalo na noong inanod ng baha kasama ang mga lahar ang
mga tao doon.
“Iyong iba nakikita
kong nakasabit sa mga puno ng kahoy,” dagdag niya.
PAG FILE AS A NEW VOTER IN URDANETA CITY
Noong nag file ng registration of voter sa Urdaneta si Madam
Maan noong March 14, umani ito ng papuri at batikos sa mga fans at mga supporter ng kanyang
nakikitang katungali na si Urdaneta Mayor Rammy Parayno.
Sabi nila kaPampangan daw si Madam, dayo at walang maiiambag
sa siyudad pag siya’y nanalo.
Napaka idiotic naman ang ganitong klaseng buladas na
nagsilabasan sa social media at mga radyo.
Laos na iyang salitang “dayo”. Nasa Constitution, Omnibus Election Code, Local Government Code (LGC) at iba pang mga batas na ang pagiging residente ng isang tao para magkandidato ay “An elective local official must be… a registered voter in the… city…; a resident therein for at least one (1) year immediately preceding the day of the election… (Section 39 LGC).
Pag nasunod niya
iyang mga pangangailangan na sinabi ko siya'y maging residente at hindi ayon sa batikos ng mga
tangang blogger, istupidong writer, sira ulong mga radio commentators at dorobong commenters sa social media.
Parang mga nincompoop na mga pulitiko dati na nababanatan ko
sasabihin nila na umuwi na daw ako sa Mindanao dahil hindi ako taga Pangasinan
at nanggugulo lang ako dito, hahahaha Mga GAGO!
Mas matagal pa ako dito sa kaharian ni Princess Urduja
matapos mag migrate kami ng mga magulang ko noong five years old ako galing sa tahanan namin sa
Philippines Military Academy sa Baguio City noong 1973 at bumalik ako para
magtrabaho sa PMA, Baguio noong 1988, naging professor sa isang unibersidad sa
Dagupan City at naging publisher at editor nitong Northern Watch Newspaper dito
noong 1987.
Saka kung dayo ang pinaguusapan, paano iyong mga elective
political leaders natin dito tulad nila 3rd District Congresswoman
Rachel Arenas, 5th District Rep. Mark Cojuangco, returning 4th
District Cong. Gina de Venecia at Bayambang beauteous Mayor Nina Jose-Quiambao?
Mga taga Metro Manila at Tarlac ang mga iyon pero naging matagal na mga pinuno
dito sa probinsiya.
Laos na iyang mga buladas niyo mga kritiko!
BUY ONE TAKE THREE
Ito pa: Wala daw maiambag na maganda si Misis Guico.
Sigurado kayo sa mga pinagsasabi ninyo?
Sino ba ang mister niyan di ba ang guapong Gobernador ng seventh economically biggest province in the Philippines kung saan lalong dumami ang kita noong isang taon ng tax initiative niya sa quarry resources: Nakapagkulekta ang province, cities, towns at barangays ng P626, 626, 641.73 noong 2023 kontra sa P51, 729, 841.6 noong gobernador pa si Pogi Espino noong 2022.
May P5.73 billion budget pa ang mister niya sa taong ito. Ngayon
sasabihin ninyo walang maiambag e kung iyong ibang proyekto noong probinsiya e
channel ng mahal niyang esposo sa Urdaneta e di lalong jackpot ang Carabao City
dahil naka buy one take three sila.
Tandaan, hindi take two kundi take three kasi father-in-law ni Madam Maan si 5th District Cong. Monching Guico.
E kung nabigyan si
Cong. Monching ng P2 billion allocation ng Malacanang ngayong taon sa iba’t ibang
departamento ng gobyerno at e funnel iyong karamihan sa Urdaneta e di baka
malunod ang mga tao diyan sa dami ng proyekto.
Hindi kaya ni Mayor Rammy ang ganoong opurtunidad para
lalong mapaganda ang Urdaneta.
Hindi pa natin pinaguusapan ang mga strategies na gagawin ng
mga Guicos diyan sa Urdaneta na ikakagulat ng karamihan.
No comments:
Post a Comment