MAGBAYAD NA KAYO!
By Mortz C. Ortigoza
Nanawagan ang mataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga
namatayan ng kamag-anak na magbayad na hangang June
14 ng kanilang Estate Tax para maiwasan ang multa.
“Once you’ll not avail of that katakot-takot na penalties. Same kung matagal ng namatay kung ilang taon na siya so malaking penalty,” ani Revenue District Office No. 4 Chief Aldrin Camba.
Aniya dapat mailipat na sa pangalan ng tagapagmana ang pagaari ng
sumakabilang buhay para maiwasan ang katakot takot na multa.
Ang Estate Tax ay karapatan ng namatay na ilipat ang kanyang pag-aari sa
kanyang tagapagmana at benepesyaro at ibang paraan ng paglipat ng kanyang karapatan
pag siya ay namatay na.
Ani Camba ang Amnesty na ito ay
nawalan ng bisa sana noong nakaraang taon at ang extention ngayong taon ay
malaking tulong sa bulsa ng mga kapuspalad nating mga kababayan.
Dagdag pa ng mataas na opisyal na ang bayarin lamang sa ilalimn ng Estate
Tax Amnesty (ETA) ay ang basic fee.
Kadalasan, ang hindi nakapagbayad na taxpayer ay minumultahan ng twenty-five percent surcharge, twenty
percent interest per year at compromise penalty, ayon sa
National Internal Revenue Code.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11213 or the “Tax Amnesty Act”, executors,
administrators, legal heirs, o mga beneficiaries ay may hanggang two (2) years
lang sa pagiging epektibo ng Implementing Rules and Regulations ng nasabing
batas o hanggang June 15, 2021 para mapakinabangan ang ETA. Pero ang hinding
inaasahang pandemya ng corona virus -19 (COVID-19) at ang mga mabibigat na
quarantine protocols ay naging dahilan para mahirapan ang mga taxpayers.
Ito ay naging rason para ang Kongreso ay magpasa ng extension habang ang
gobyerno ay naghahanap ng mga pinagmumulan na mga buswis para patatagin ang
kanyang kinokoleta sa mga tao.
Dahil dito ang pagbayad ng ETA ay pinahaba hanggang June 14, 2023 nakabatay
sa amended Republic Act No. 11569 and per Revenue Regulations (RR) No.
17-2021 na ni-issue ng BIR noong August 3, 2021.
No comments:
Post a Comment