Monday, March 13, 2023

Alan at Pia Tinulungan ang Inabusong Babae na Takasan ang Karelasyon

Sa ikalimang episode ng Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA), tinulungan nina Senador Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano kung paano makawala sa isang relasyong abusado na may alitan pa tungkol sa pera.

Sa kuwento ni Fe (hindi niya tunay na pangalan) sa segment ng programa na ‘‘Case-2-Face,’ ibinahagi niya na humingi na siya ng tulong sa pulis at sa mga opisyal ng barangay upang protektahan siya sa sexual abuse na ginagawa ng kanyang kinakasamang si Bernie.

Binaligtad naman siya ni Bernie na sinabing ginagamit lang siya ni Fe, at inakusahan pa itong ibinulsa ang malaking bahagi ng kanyang naipon. Dahil magkaiba ang kani-kanilang kwento, pinaalalahan sila ni Kuya Alan na magsabi ng totoo. “Normal kasi na may maliit na inconsistencies. Having said that, mayroon kasing Latin term na ‘falsus in uno, falsus in omnibus’ at ang sinasabi nito ay ‘false in one thing, false in everything’ and it’s a technique to test someone’s credibility,” sabi ng Senador. Pinuna ni Kuya Alan ang alegasyon ni Bernie na walang pera si Fe bago sila magkakilala at itinakas diumano ang kanyang savings. Lumabas kasi sa programa na mayroong maliit na negosyo si Fe bago pa man mangyari ang lahat. “Ibig sabihin, sa napakalaking inconsistency sa sinabi mo, baka magiba ang ibang arguments,” sinabi ng senador. Mariin namang ipinaalala ni Ate Pia kay Bernie na wala dapat puwang ang karahasan laban sa kababaihan. “Kailangang tuldukan ang violence against women. Whether ikaw ay sexually or physically abused, kahit kayo ay nasa isang relasyon, posible pa rin na kayo ay ma-violate. So kapag sinabi ng babae sa iyo na ayoko niyan, ibig sabihin huwag mong gagawin sa akin iyan,” sabi ng senador. Ipinunto rin ni Ate Pia na mayroong Marital Rape Law ang bansa. “Kahit na mag-asawa, pwede ka pa rin kasuhan ng rape ng sarili niyang asawa. Kayo ay hindi kayo legal na mag-asawa, nagsama lang kayo, pero pasok pa rin iyan sa violence against women kung ang mga sinasabi mo talaga ay totoo,” aniya. Dahil hindi matuldukan ang mga isyu ng dating magkasintahan, sinabi ng mga Cayetano na dalhin na ang kaso sa korte. “Dapat matulungan natin sila na mabilis mahantong ito sa korte para matuldukan na ito. Dahil kung hindi, magbabalik-balik lang kayo sa barangay, sa mga kapitbahay, at mga kamag-anak ninyo,” giit ni Senator Alan. Kahit masalimuot ang mga napag-usapang kaso, masaya pa ring nagtapos ang programa sa ilang mga larong Pilipino kasama ang studio audience sa ‘Alan, Pia, Pik’ segment. Pinarangalan din nina Kuya Alan at Ate Pia ang isang grupo ng mga community educators sa 'Salamat’ segment. Ang Cayetano in Action with Boy Abunda – o CIA with BA for short – ay pagpapatuloy ng legacy ng yumaong ama ng mga senador na si Senator Rene Cayetano, na nakilala sa kanyang programa sa radyo at telebisyon na “Compaรฑero y Compaรฑera” na ipinalabas mula 1997 hanggang 2001 . Tulad ng kanilang ama, tinutugunan ngayon ng magkapatid ang pangangailangan ng mga tao para sa impormasyon at patnubay tungkol sa mga batas ng Pilipinas at kung paano ilalapat ang mga ito sa totoong sitwasyon sa buhay. Ang CIA with BA ay mapapanood tuwing Linggo, 11:30 ng gabi sa GMA, at may replay tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi sa GTV. Manatiling nakatutok para sa mga update sa social media sa @cayetanoinactionwithboyabunda sa Facebook, Instagram, TikTok at Youtube.

No comments:

Post a Comment