Thursday, November 25, 2021

Tatalunin ng Sual ang Alaminos sa Turismo – Boying


By Mortz C. Ortigoza

SUAL, Pangasinan – Dahil sa kanyang kabundukan, dagat, at talon tatalunin ng first class na ito ang Alaminos City ayon kay dating Congressman Jesus Salvador “Boying” Celeste

“Tatalunin po natin – huwag magagalit iyang mga taga Alaminos – dahil isisigurado ko po sa inyo tatalunin po natin ang siyudad ng Alaminos. Wala naman silang mga kabundukan. Mayroon lang sa Alamino City ay Hundred Islands. Parang Bolinao tinalo namin ang Alaminos dahil sa beaches. Malakas ang aking loob na sabihin na tatalunin natin ang Alaminos dahil ang magiging attraction po natin dito iyang kabundukan po  ninyo,” ayon sa tumatakbong pagka alkalde sa coastal town na ito sa Western Pangasinan habang kapanayam ang mga libong nagpapalakpakan na mga supporters na dumayo sa congressional office dito sa Barangay Poblacion.

Ani Celeste magmula ng dumating siya dito ay pinunduhan na ng kanyang nakakabatang kapatid na si First District Rep. Arnold “Noli” Celeste ng P50 million ang kalsada na magmula sa Barangay Caoayan papunta sa mga kabundukan.

Bird's eye view of Sual, Pangasinan is an internet grab.

“Nagtataka po kayo siguro bakit ko nagawa iyan hindi na po tayo nakaupo? Kapatid ko pa rin ang Congressman. Ako pa rin po ang pinapakinggan sa ngalan po ng development at puwede ko e suggest ang mga magandang plano dito sa ating distrito”.

Sa kanyang talumpati kamakailan sa congressional office dito sa mga supporters na nagmula pa sa ibat ibang barangays, walang pag alinlangang binanatan niya ang mga land grabbers na kumamkam ng daang ektaryang lupain sa mga kabundukan dito.

“Ang inyong kabundukan ay gaganda po iyan kaysa kukunin lang ng mga gahaman sa lupa. Ibig kung sabihin gahaman sa lupa kung hihigit ka na sa isang daang ektarya kukunin mo porke’t malakas ka sa gobyerno aanuhin mo ang pag-aari ng taga-Sual. Iyong mga malalaking may ari ng lupa diyan hindi naman po sila taga rito taga ibang lugar iyan po para sa akin iyan po ang para sa inyo para po iyan sa mga taong bayan ng Sual”.

Ani ng tumatakbong mayor ang mga atraksyon sa kabundukan at sa kanyang ipapatayong facilities ay dudumugin ng mga turista na manggagaling sa buong Pilipinas.

“Merong patent iyong Matico Falls kinausap ko ang may ari ng Matico Falls hindi mapunta iyan sa akin. Hindi ko gagawin iyan para gagawin kung private property. Balak kung gagawin natin na municipal resort. Ang bayan ng Sual ang magpapatakbo ang kita po niyan ay mapupunta sa bayan ninyo para maibalik natin sa dati. Kung hindi number two magiging number one”.

Experto si Celeste sa paghikayat sa mga maperang turista dahil nagawa niya iyan sa beach rich na bayan ng Bolinao kung saan ang kanyang siyam na taong pagiging punong ehekutibo ay nagpakita kung paano umasenso ang bayan dahil sa turismo.

“Expert po tayo diyan sa municipal resorts nagawa ko na po iyan. Sa bayan ng Bolinao ako po ang Ama ng Turismo nag Congressman ako binuksan ko po ang mga kalsada papuntang mga beaches natin. Iyan po ang nakita kung potential na gagawin nating pasilidad sa turismo. Magkakaroon na ng coastal road  magmula Dasol to Bolinao iyon ang magpapa-angat sa atin. Dahil ako po ang author po niyan ako pa ang nag umpisa niyan dahil hindi po natin ipapatalo itong bayan ninyo na mas maganda sa lahat sa ngalan ng turismo”.

Kamakailan binanatan ni Celeste si congressional candidate Oscar Orbos ng sabihin ng huli na siya ang orihinal na may idea sa coastal highways sa distrito.

Ang proyekto ayon sa kanya ay magbibigay ng isandaang trabaho sa Western Pangasinan.

“May proposal nga kami. Gaya gaya na lang siya. Basta kung ano na ang sinasabi ni Orbos. Noong kalakasan niya hindi niya ginawa pero noong nakita niya (na) nangyayari sa amin ngayon sasabihin niya siya na ang author, kalukuhan! “ani Celeste sa Northern Watch Newspaper.

Si Celeste at re-elective Mayor Liseldo “Dong” Calugay ay maglalaban sa May 9, 2022 election.

Si Calugay ay manok ni Governor Amado Espino, III at si Celeste naman ay kakampi ni governorship challenger Ramon Guico, III.

 READ MY OTHER BLOG/COLUMN:

Can Ph get Rid of being a Tourism Slow Foot in the ASEAN

 

 

No comments:

Post a Comment