Patuloy ang mga iba’t ibang programa ng butihing Mapandan Mayor Anthony “Dooy” Cerame Penuliar at ang Team Aguila na pinangungunahan ni governorship and vice governorship candidates Ramon “Monmon” Guico, III at Vice Governor Mark Lambino.
“Patuloy po naming inilalapit sa inyo ang mga programang makatutulong sa ating mga mga kababayan. Nais ko rin po sanang ipaalala sa inyo lalo na sa mga for discharge sa mga pribadong hospital na kung nakalabas na po ang pasyente ay limitado na po ang tulong na maihatid po natin,” ani ni Mayor Dooy sa mga constituents niya.
Mapandan Mayor Anthony “Dooy” Cerame Penuliar |
Nagpapasalamat din ang Alkalde sa butihing Third District Congresswoman Rosemarie Baby Arenas at Madam Rachel Arenas at sa Aksyon Man Ng Tersero Distrito na si Board Member Vici Ventanilla sa walang sawang pagtulong sa mga taga Mapandan.
Hinikayat ni
Mayor Penuliar ang mga kababayan niya na makipag-ugnay lamang sa kanyang
tangapan para sa kanilang mga medical assistance.
***
Ayon kay Northern Watch Newspaper’s columnist Arnel Montemayor alias Munting Isko: “Napakapalad ng bayan ng Mapandan sa liderato ni Mayor Anthony "Dooy"Penuliar, sapagkat mula noong siya ang naging mayor ay tinapos niya ang maraming proyekto na hindi natapos noong nakaraang administration tulad ng public market at farm to market roads. Limang barangay naman ang makikinabang sa inihandang proyekto na may halagang P37 million sa Brgy Primicias at karatig brgy para sa evacuation center. Hindi matatawaran ang kakaibang siste ng mayor sa kanyang pagiging mapagpakumbabang tao. Madaling kausap at walang pagkasayang aksyon para lutasin ang mga problema sa bayan kaya siya ay mahal na mahal ng kanyang mga kababayan".
No comments:
Post a Comment