Sa isang huntahan sa isang natalong kilalang mayaman na mayoralty candidate noong nagkita kami sa isang social function, ito ang isa sa mga tanong ko sa kanya:
“Magkano ang bilihan ng boto sa bayan ninyo at kayo ay natalo?”
“Dalawang libo isang linggo bago mag eleksyon,” tugon niya.
“Bakit isang linggo bago mag eleksiyon. Dapat sa eve ng eleksyon kayo namumudmod ng pera?” ang tanong ko.
Aniya natatakot sila ng pamilya niya kasi ang kalaban nila sa pagka alkalde ay malakas sa Police Provincial Director (P.D for brevity) na kayang utusan ng patron niyang pulitiko na hindi sila maka vote buying sa gabi na iyon.
Ani ng nakapanayam ko ang kalaban ng gabi bago mag eleksiyon ay nagpabaha ng P5,000 sa bawat botante sa maliit na bayan na may more or less 28,000 voters.
P5,000 multiplied by 23, 800 voters (85% of the 28,000) equals P119 million.
Plus iyong P2,000 multiplied by 85% equals sa dumadagundong na P47.6 million.
Itong bilihan lang ng boto dito sa itaas na computation ko ay nakakalulang P166.6 million na Por Diyos Por Santo!
Eighty-five (85) percent po ang ginamit ko na computation dahil iyon ang traditional na bumubuto sa tuwing may election.
Hindi pa dito kasali ang mga panghimagas na bigayan ng pera
ilang buwan o linggo bago magka eleksiyon.
Ang first class town mayor ay sumusuweldo lamang ng P130,
423 (third year of his one-year term) o P1, 695, 499, 00 (a year and including
his 13th month pay) o P5,086,497,00 sa tatlong taong term niya na may salary grade
27 na.
Bakit siya at mga ibang alkalde sa Pilipinas ay kailangan
pang gumastos ng ganito kalaking yaman P119 milyones e wala pang P6 million ang
kikitain ng isang first class town mayor sa tatlong taong term niya?
Siguro merong gabundok na salapi na tumataginting na kayang ibahagi ng bayan na kayang mabawi ng kandidato ang mga perang pinagtatapon niya sa mga gutom na bobotantes.
DAHIL KAY P.D NATALO SI MAYOR
Another example kung gaano ka lawak ang kapangyarihan ng PDsa pagsupil sa mga may sala pag panahon ng eleksiyon.
Noong Provincial Director pa si Brig. General Marlou Chan (namatay sa assassination kalaunan) – Colonel
pa ang ranggo niya noon sa Pangasinan –
umiiyak sa galit ang isang mayor dahil hindi siya makabili ng boto laban sa
kanyang Vice Mayor na sumagupa sa kanya sa mayoralty election. Both of them mga
bilyonaryo.
Ang naghihinagpis na alkalde ay kayang magpakawala ng P5,000
per voter noong 2013 National and Local Election pero hindi niya kaya kasi pag nagpapakurong (vote buying in
Pangasinan) sila andiyan na ang police na kukunin ang mga pera nila at
ipakukulong pa iyong mga tig bili ng boto niya.
“Madaling talunin itong kalaban ko. Tag limang libong
peso lang ang katapat ng mga bawat botante dito,” ani ng isang Filipino-Chinese
na negosyante sa akin na kung saan narinig niya sa close supporters ng
nakaupong reelective mayor ang kanyang kumpiyansa na manalo uli sa karera ng
padamihan ng boto.
Pero nagulat si alkalde kasi ng kasagsagan na ng bilihan ng
boto binantayan na ng mga police ang mga alipores niya samantalang pinabayaan iyong
kalaban - identified na kaibigan at suporter ng Liberal Party at ni Pangulong
Benigno “Noynoy” Aquino, III at Department of Interior & Local Government
Secretary Mar Roxas. Ang DILG ang may hawak sa mga bayag ng mga Heneral at
Colonel ng Philippine National Police.
PANAWAGAN SA MGA BIBILI NG BOTO
Sa mga kandidatong tumatakbo sa darating na May 9, 2022 Eleksyon, tandaan: Ang may hawak ng PD ay may malaking tsansa na manalo sa karera.
Nakita ko na iyon kung paano ipitin ng sa itaas na may hawak sa police commander ang mga kandidato para mayorship sa mga lungsod at mga bayan bayan noong 2013 at 2019 polls.
Iyong naka tsambang manalo dahil binuksan nila ang mga tahanan at mga bodega nila sa vote buying, tandaan mag innovate kayo ng ibang paraan dahil ang kalaban ninyo ay gagawan ng solusyon iyang mga raket ninyo kung paano paghuhulin ang mga nagbebenta at nagpapabili ng boto.
Pag sinugod kayo ng mga police at pinagdadampot kayo at mga voters for sale ninyo nakakahiya iyan at puwede pa iyan humantong sa madugong palitan ng putok ng mga baril sa panig ninyo at mga otoridad. May mga mamatay pa diyan, susmariosep!
Itong mga grounds sa ilalim ang gagamitin sa inyo.
VOTE BUYING, WARRANTLESS ARREST, AND PENALTIES
Remember the definition of Vote Buying and Vote Selling sa Section 261 ng Omnibus Election Code
“(1) Any person who gives, offers or promises money or anything of value, gives or promises any office or employment, franchise or grant, public or private, or makes or offers to make an expenditure, directly or indirectly, or cause an expenditure to be made to any person, association, corporation, entity, or community in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate or withhold his vote in the election, or to vote for or against any aspirant for the nomination or choice of a candidate in a convention or similar selection process of a political party.”.
Remember Section 5 Rule 113 of the Rules of Court on Warrantless Arrest?
1. When, in the presence of the policeman, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense. This is the "in flagrante delicto" rule.
2. When an offense has just been committed, and he has probable cause to believe, based on personal knowledge of facts or circumstances, that the person to be arrested has committed it. This is the "hot pursuit" arrest rule.
According to Section 263 and 264 of the the Omnibus Election Code, any person found guilty of vote-selling, vote-buying and other election offenses under the code shall be criminally liable and be punished with:
• an imprisonment of not less than one year but not more than six years;
• the guilty party shall be sentenced to suffer disqualification to hold public office and deprivation of the right of suffrage;
• if he is a foreigner, he shall be sentenced to deportation which will be effective after the prison term has been served;
• any political party found guilty shall be sentenced to pay a fine of not less than ten thousand pesos.
Iyan sa itaas ang mga basehan ng kalaban ninyo kung gusto
nilang guluhin ang mass vote buying ninyo sa mga tahanan ninyo without even the benefit of the search warrant because they have a witness who personally says
that a crime is being perpetrated inside your abode or property.
Pasensiya na sa mga karpentero, Laborer, embalsamador, GROs, bugaw at iba at ako'y napa Inglis ng hindi oras dito sa column o blog ko hehehe!
READ: Superior Funds Key to Electoral Victory
Follow me on Twitter Send me a secure tip.
MORTZ C. ORTIGOZA
I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment