By RENATO "ATONG" REMOGAT
Malamang na ang tambalang ito sa ilalim ng column na ito ang pusibleng magsasalpukan sa darating na halalan 2022.
Bagama’t wala pang malinaw na ka-tandem si Gobernador Amado “Pogi” Espino, III sa pagka-Bise Gobernador sa ngayon ay nakikinita ng ilang eksperto sa larangan ng pulitika ang pinsan niyang si Sangguniang Kabataan at Ex-Officio Board Member Jerome Vic Espino ang posibleng mapisil nila na ka-tiket ni Gob. Pogi.
Remogat |
Kapansin-pansin
anila ang palagiang presensiya ng nakakabatang Espino sa lahat ng
lakad ni Gobernor Pogi lalo na ang programa niyang Abig- Laman na
umiikot sa buong lalawigan.
Maraming haka-haka na ang Abig-Laman ay gawing Party List Party ng mga Espino. Pagnagkataon matibay ito at maging sakit ito ng ulo Abono Party List ni Ka Sendong So sa Mayo 9, 2022 na eleksiyon.
Sa ngayon ay nananatiling tahimik ang kampo ng mga Espino kung sinu-sino ang kanilang mga kaalyado mula Bise Gobernador, Congressman at mapa-Mayor habang ang kanilang katunggali ay lantaran ng pinapakita ang kanilang mga kahanay.
Naiulat din ng maaga ang intensiyon ni 2nd District Board Member Nikki Boy Reyes na ka-tandem sana ng Espino ngunit parang malamig pa sa kanin ang pag- angat ng kanyang popularidad.
Sinasali rin ang pangalan nina 5th District Chinky Perez-Tababa at graduating Pangasinan Councilor’s League President (PCL) Board member Shiela Marie Perez, ang unica hija ni Pangasinan Political Godfather Salvador’ Badong” Perez ng bayan ng San Manuel, at ang dating Gobernador- Kongresman Amado T. Espino Jr.
Ani ng ilang eksperto, mas lutang ang pangalan ni SK president BM Espino dahil sa hatak at popularidad niya sa mga kabataan o ang millennial sa buong Pangasinan kung kaya’t litaw na ang posibleng tambalang Espino-Espino ang magtutuloy.
Habang ang pwersa naman ng Guico-Lambino ay buo na mula una hanggang sa pang anim na distrito.
Narito ang kabuuan ng kanilang hanay; Governor, Ramon “Mon-mon” Guico; Vice Governor, Mark Lambino.
Para sa pagka Congressmen: 1st District, Arthur Celeste; 2nd District, Mark Cojuangco, 3rd District, Rachel Arenas, 4th District, Melanie Lambino, 5th District, Ma-an Guico at 6th District, Hermogenes Esperon.
Pero mag antay muna tayo mga taga subaybay ng Northern Watch Newspaper dahil nanatili pa rin sa ngayon ang kumpirmasyon na manggaling mula kay National Security Adviser Esperon.
Sa hanay naman ng mga Espino; Governor, Amado’ Pogi” Espino, Vice Governor, Jerome Vic Espino.
Para Congressmen: 1st District, Tim Orbos; 2nd District Jumel Espino; 3rd District wala pa; 4th District, Christopher De Venecia; 5th District Nino Arboleda; at 6th District, Marlyn Agabas.
Ang mga idenitalye dito ay ayon sa mga obserbasyon at analitiko ng mga dalubhasa sa pulitika na aking nakapanayam habang isinusulat ang balitang ito.
No comments:
Post a Comment