IBAT-IBANG PROYEKTO NI BOYET
By Mortz C. Ortigoza, MPA
AGUILAR, Pangasinan – Bawat isang barangay dito ay makakatangap ng isang milyon peso na Isuzu’s Utility Van sa huling mga buwan ng taon na ito, ayon sa kanyang Alkalde.
Sinabi ni Mayor Roldan “Boyet” Sagles na wala siyang pinili oposisyon man o suporter ay kanyang bibigyan ang 16 na mga Barangay Kapitans dito ng sasakyan na brand new para magamit nila sa kanilang operasyon at sa mga iba’t ibang pangangailangan ng mga kanilang constituents.
“Wala silang masasabi kase lahat binigyan ko, di tayo namili. Kako nga sa kanila, ako hindi masyadong mapulitiko huwag ninyo akong pulitikuhin kase para sa inyo naman iyan hinde para sa akin yan,” wika niya sa Northern Watch Newspaper.
Sa mga nakalipas na mga taon maraming nabinbin na mga proyekto dito para sa ikaganda sana ng third class na ito pero pinipigilan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) na kontrolado ng Oposisyon.
Ani Sagles dapat sa third quarter ng taon na ito magbibigay na siya ng walong Isuza Vans at iyong walo sa fourth quarter.
“Sabi ko nga, minsanan na lang sa last quarter para pag third quarter walo ang maibibigay pag fourth quarter mabibigay mo lahat sabay sabay na”.
Ang budget sa labing anim na sasakyan ay hinango ni Mayor Sagles sa internal revenue allotment (IRA) na bigay ng national government ngayong taon.
Kinuha niya ang halagang P16 million sa P32 million na IRA.
Sabi ng Alkalde hinde naman pinigilan ng SB ang balak niyang pagbili ng mga sasakyan.
“Wala ng kaso iyon,” ani niya matapos aprobahan din ng mga mambabatas ang mga projekyo niyang nakabinbin noong mga nakalipas na buwan at taon.
Mga ibang proyekto na nakamit na ng Administrasyong Sagles ay ang pagbili ng bagong dump truck, bagong ambulansiya – pandagdag sa isa dito – kung saan ang pondo ay galing sa P2.3 million na panalo ng bayan sa Seal of Good Governance noong isang taon, bagong plaza, bagong fire truck, bodega o building ng National Food Authority kung saan ang local government unit dito ay nag-donate ng lupang pagtitirikan nito, at iba pa.
“Basta sa amin bibigyan kami ng building okay naman sa amin ang ganoon. Iyong Balay sana iyong bahay ng farmers sayang iyon kasi sabi noong area na ibibigay ko, sabi ipa-poultry ni Evangelista, ayaw nila,” ika ni Mayor.
Walang gastos sana ang LGU doon sa Balay bukod sa counterpart donation nito na two-hectare na lupa.
Pero ito ay hindi natupad dahil ayaw ng national government na may poultry na magdudulot ng mabahong amoy sa paligid.
Ani Sagles iyong mga farm-to-market roads sa mga barangay dito ay kanya pang dadagdagan.
“He shares with me his accomplish projects farm-to market road in three villages of Aguilar and still three barangays more that are coming worth P37.5 million,” wika ni Professor Arnel Montemayor at Political Consulant ng bayan na ito.
Read my other blog/column:
How Other Mayors Create Economics Opportunities to People
Follow me on Twitter Send me a secure tip.
MORTZ C. ORTIGOZA
I am a twenty years seasoned Op-Ed Political Writer in various newspapers and Blogger exposing government corruptions, public officials's idiocy and hypocrisies, and analyzing local and international issues. I have a master’s degree in Public Administration and professional government eligibility. I taught for a decade Political Science and Economics in universities in Metro Manila and cities of Urdaneta, Pangasinan and Dagupan. Follow me on Twitter @totoMortz or email me at totomortz@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment