Wednesday, June 16, 2021

Palpak na Traffic Enforcement sa Bayambang

By PROF. ARNEL MONTEMAYOR

Columnist Northern Watch Newspaper 

Love gift, iyan ang pinauso ng mga buwayang pulis para makadagdag delihins. Straight from POSO Dagupan,doon sa panikit-TVR nila ang daming violation na puweding gamitin para makahuli, pero pag Senior Citizen ka, pinagpapasensyahan ka na lang nila.

Sabi ng bubuwit namin madaling kausapin din ang mga POSO Dagupan. Magandang disiplina ang inumpisahan ng kaibigan kong kapwa ko Jaycees,Robert Erfe Mejia. Mula ng mag umpisang manunkulan ang kasalukuyang Bayambang Mayor Cezar T. Quiambao ,saludo naman ako in fairness sa ginawa nilang pagbabago ng Bayan. 

Traffic enforcers in Bayambang, Pangasinan. (Photo is internet grab)


Dumating ako dito sa Bayambang during the first term ni ex-mayor Leo de Vera hanggang sa kasalukuyan. Pero ang sama ngayon ng traffic scheme nila at ugali nitong karamihang POSO. Siguro sa araw araw na napapansin ko, out of 10 POSO on duty may mga 5 arogante at walang respeto sa mga motorista lalo na sa mga Tricycle drivers.

Mga di napapansing di maganda gaya ng: 1. Basta na lang nililipat ang tricycle o motor ng walang paalam sa may ari, na ikinahihilo at pagka aburing hanapin kung saan inilipat. Ang tawag dito bastos o pangagago. Ang masama dito di kilala ang may ari o di alam ng may ari kung sinong POSO ang naglipat; 2. Iyon bang POSO na marunong humingi ng pasensya, pero di marunong magpasensya.

Ang tawag ko dito, abusado. 3.Iyon bang pag kahit wala kang violation, gagawing panakot ang tiket para ka lang sumonud sa gusto nila. I mean kung wala naman talagang violation bakit hinde ka makiusap sa driver lalo pag Senior Citizen ang driver. (high-blood ang aabutin); 4. Iyon bang pabago bagong rota o dadaanan ng mga tricycle na pahirap sa mga sumasakay dahil doble ang bayad o pabago bago rota na walang advisory tapos pinababalik pa ung sasakyan lalo na sa mga bagong salta ng bayan.ang masama nito tinitiketan pa na hnd alam ang rota dahil napadaan lamang.

Hindi alam ng karamihan ang ganito siste ng mga kinaukulan. Let me guess, baka hinde ito alam ng Mayor kasi di naman lumalabas.(mahirap na din siguro dahil sa pandemya) Pero malaman ni MCTQ – palayaw o acronym ni Mayor Quiambao - para di malatayan siya ng palo ng mga tao sa mga walang alam ng mga POSO.

No comments:

Post a Comment