Thursday, June 24, 2021

Biseng Busy ang Kalawit ng Malakanyang para sa P'sinan

 By Prof. Arnel Montemayor

Itong si Trillanes o Trililing ay tatakbo daw na President. Ngek! Kahit alam niya na di siya mananalo? Para lang daw ipakulong c PDU30? Paano kaya ang gagawin niya? iyon lang? Hindi kaya kukurakutin din ang kaban?

BRASS. From left: Presidential Adviser Secretary Raul Lambino and Philippines President Rodrigo Duterte.


Parang may alam ako dito sa Second Congressional District na ganyan din ang siste, tatakbo para ipakita lang ang sama ng loob sa nangyaring di pagkumpirma sa kanya.

Tanungin ko kayo dear readers, sakaling nasa abroad ka na at medyo maginhawa na ang buhay mo, uuwi ka pa ba dito sa Pilipinas para ubusin ang napagag ipunan mo?

Depende sa pakikipagsapalaran kung alam mo na may chance ka. Paano kung wala? Ah lalaban daw kasi, para ipakita niya na kalaban siya. This person during his last term of his incumbency noong Konsehal pa siya ng bayan ay di niya tinapos ang kanyang termino sa pag aakalang makukuha niya ang isang position as Department Head. He resigned.

Kaso hind siya na confirm ng Sangguniang Bayan (Legislature) kaya purnada ang inabot, kaya siya nag abroad. E kaso nauto, na-enganyo ng kanyang mga allied losers at eto na siya kung kani kanino lumalapit para magpatulong na ma-indorso sa kanyang paghahandang pagtakbo bilang Mayor ng isang bayan. Noong hindi siya nag TaGUMpay ng confirmation niya, biglang naglaho with more or less two years.

Saka ka tatakbong mayor! Anong gagawin mo e lumipad na ang bayan mo?

Asan ka noong naghirap ang Pilipinas sa pandemya.? Anong TAGUMpay ang sinasabi mo eh sa confirmation pala di ka na nagTAGUMpay.

Well that’s your call. Basista was awarded four months ago as one Most Improved Municipality in the whole Region 1 during the second year of Mayor J.R. Resuello. His Vice Mayor Dante Bustarde vowed to support the Administration kaya progressive na ang Basista at maaliwalas pa.

***



Halos sunod sunod ang dalaw ng mga Cabinet Members sa Pangasinan. Gaya nila Senator Bong Go, Secretary Sal Panelo, Spox Harry Roque, Tourism Sec. Berna Puyat, DOTC Sec. Art Tugade, Asec Carlo Nograles. Ano sa pang-amoy ninyo dear readers ng NORTHERN WATCH? May tatlong P akong alam sa mga ito: Projects,Paramdam o Pagpapakilala at Pulitika hahahaha!.

***
B
ising busy ng ngayon ang tinaguriang KALAWIT NA PANGASINAN si  
Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) chief at Presidential Adviser for Northern Luzon Secretary Raul Lambino na kapansin pansin ang pagiging busy na tumutulong sa Pangulo ng Bansa. ipinaparamdam niya sa ating mga kababayan ung mga plano ng Administrasyong Du30 kaya madalas puntahan ngayon ng mga Cabinet members ang lalawigan ng Pangasinan. Kaya panay din ang madalas na pagkilos ng Bise Gobernador ng lalawigan Mark Lambino.
Itong nakaraang 70th session ay inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan (Provincial Legislature) ang 500 Million para sa gagamitin sa pagbili ng mga palay at iba pang aning agrikultura. Mabuhay kayo.Diyos ang luwalhatiin!

***


Lahat ng tao may karapatang pumili para sa kanyang buhay. Huwag ipilit ang ayaw ng tao. "WHAT WILL PROFIT A MAN IF HE GAINS THE WHOLE WORLD YET LOSES HIS OWN SOUL"

No comments:

Post a Comment