Thursday, October 29, 2020

Pinag Aagawan P3-M na Pinagtatapon ni DPWH Reg. Director

By MORTZ C. ORTIGOZA

Matibay si Department of Public Works and Highway Region-1 Director: P2 to P3 million ang pinagtatapon sa ere para pag agawan ng party goers.

Dapat kasamang pa imbestigahan sa Ombudsman ang mga District Engineers (D.E) ng DPWH sa Pangasinan dahil madami mga sub standard na kalsada. Ilang taon palang nag pupulbos na iyong iba bitak bitak na anak ng bakang dalaga!

Masyadong malaki ang cut o S.OP ng mga Tongressmen kasabwat sila D.E kaya iyong hinayupak na kontraktor kulang na lang lagyan ng kawayan na bituka ang loob ng kalsada para kumita rin pambuhay sa pamilya at mga kabit nila na na sa bukod maganda at mga bata pa may mga bagong bahay na may mga S.U.Vs pa.

(Illustration is an internet grab)
Naalala ko dati iyong dalawang media men na pumasyal sa opisina ng Regional Director ng DPWH sa San Fernando City, La Union mga ilang dekada na ang dumaan.

Wide eyed iyong bagitong reporter na napabulatlat ng binuksan ni Director ang attache' case niya at kanyang daklutin ang isang bundle na salapi at ibigay kena media men.

"Andami niyong pera director, bundat na bundat ang attache case niyo? Tanong ng bagitong manunulat at wet- behind- the- ear broadcaster.

"Oo iho, madami talaga ang pera dito sa opisina kasi may pagawaan kami ng pera dito sa loob," pabirong sumagot si director na bundat din ang tiyan sa sarap ng kinakain sa tahanan at sa mga social functions salamat sa mga S.O.P na bigay ng mga contractors na gumagawa ng mga government projects na P50 million above ang presyo para sa apat na probinsiya ng rehiyon.

Ika noong media man, na ngayon ay beterano na sa kaiikot sa mga pulitiko, paniwala talaga siya na may Xerox (Photo copy machine) ang DPWH Regional Office kasi punong puno ang mala maletang bag ni Director ng pera na basta na lang niyang dinaklot ang isang bundle para paghatian nila ng kasama niyang reporter na nagsusulat sa national newspapers.

***

Ito pala ang issue kay DPWH Regional Director Ronnel Tan na pinasabog ng Philippine Daily Inquirer kamakailan lang:

A Department of Public Works and Highways (DPWH) regional director is facing various complaints before the Office of the Ombudsman for his alleged lavish lifestyle, including an incident where he was accused of tossing money during a party.

Quezon province councilor Arkie Manuel Yulde on Thursday filed both administrative and criminal complaints on Tuesday against DPWH Region 1 director Ronnel Tan after party guests said he threw money — about P2 to 3 million — for the people to fight over.

Yulde said this violated sections of Republic Act No. 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees — specifically Section 4, which states that public officials and their families must live modest lives.

The party was supposedly celebrated by Tan and his wife, Quezon 4th District Rep. Helen Tan, at their residence in the district. At least two town mayors from Quezon were present, according to Yulde — Mayors Webster Lerargo of Gumaca and Ferdinand Mesa of Alabat.

***

 A mayor-contractor in the province told this columnist that S.O.P varies.
He said in some congressional districts in the province some solons ask as high as 20% cut from the contractor of the project.
“Ang bigayan po namin sa district na pinangalingan ko, pag horizontal gaya ng highway 20% sa opisyal, pag vertical gaya ng DepEd buildings at iba pa 15%.”.
An incumbent mayor was surprised because customarily the bribe for a congressman in his district was  7% only.
“Mataas ang vertical ninyo, dito sa amin 7% lang kasi maliit lang ang kita diyan sa buildings,”
 the mayor told him.
The source said that a contractor gives 5% to the District Engineer of the DPWH who divides it among himself and his officials.
“Unlike in Mindanao where they give 7% to the D.E, here in Luzon we only give 5%”.
The two losing bidders who participated in the Moro-Moro are given two to three percent of the worth of project to divide between them to placate them for not winning the bid and for conspiring at the expense of the government.

READ MY OTHER BLOG/COLUMN:

How Senators, Congressmen, Mayors Steal

2 comments:


  1. BELOW ARE THE REACTIONS OF READERS I GOT FROM FACE BOOK:
    Jerome Palo
    Sa larangan ng bidding process ang Tema nyan pababaan Hindi pataasan kapag mataas ang bidding mo Di mapupunta ang project Sayo Pero kapag mababa siguro makukuha mo kaso ang ending ng proyekto sub standard na dahil sa liit na ng halaga ng project.

    Jomar Amando Joseph
    Pwd ganun mangyari pero meron din kapag province ang magpupundo ghost bidding or makukuha mo projik 10 percent na c gov or congresman..
    · May taman taas at baba ang mga project d yan baba ng subra dahil safe talaga ang actual amount ng project bloated na yn para pang tong at hati2x na

    Mel Estacio
    Punta ka mga tangapan DPWH puro bgo mga sasakyan at mamahalin dito lang pangasinan eh mayayaman mga tga dpwh mga kakapal mukha mga animal at salot din ang yayabang pa

    Mar C. Ortigoza
    On mayamay demad Lingayen, Rosales, Sta. Barbara DPWH Offices bale bale so luganan da kasama na mga SUVs ng mga contractors na maraming kabit.

    Benedict Ubas Saludo
    Malaki din kasi gastos ni tongressman sa election kaya babawi sa project alam namn nla yan...mahirap lang establish ang kaso kasi kasabwat lahat

    ReplyDelete
  2. Martin Reger
    lalo n bandang surigao del sur isang kilometro lng n kalzada tatlong taon bago matapos. wla png isang taon bitak2 n

    Gerard Alotencio
    Dapat tlaga mgkaroon na nang batas na bitay sa mga opisyal na magnanakaw sa pondo un lng ang paraan para matigil pgnanakaw nila sa gobyerno pag nkita nila binibitay na isa isa mga tulad nila ewan kolang kung mgnakaw pa mga yan

    Walter Jess Cania Casinto
    How will our honorable congressmen/politicians recover their expenses during election if their is no scheme like this?

    Jerry Sunico Reyes
    walang ng matitino na ahensya ng goberno ngayon lahat na puro kurakot. mawawala ang kurakot pag si Jesus Christ ay babalik at maging sa loob ng isnag libung taon sa daigdig.

    Mar C. Ortigoza
    Praise the Lord!

    ReplyDelete