Thursday, October 22, 2020

BAKIT WALANG MAGAWA ANG DUTERTE ADMIN NA TAASAN TARIPA ANG IMPORTED RICE

By Mortz C. Ortigoza

Tingnan ninyo sa September 24, 2019 Inquirer Newspaper report ang declaration ni Department of Agriculture Secretary William Dar.
“We believe we have imported enough (rice) and additional imports should be looked at differently,” Dar said.
“We have too much supply as we have already imported 2.4 million tons since March,’he added.
Ani ng Kalihim 93-percent self-sufficient ang Pinas sa rice production. Kailangan lang mag import ng 7 percent ng rice needs natin.
“This means that we need to import only 1.5 million to 2 million tons,” Dar said.
Two million tons?
E iyong pumasok dahil sa Rice Importation and Exportation Liberalization o Republic Act 11203 ay 2.4 million tons na, pitong (7) buwan pa lang iyon mag mula last year. Sa isang taon halos 5 million tons ang pumapasok na cheap rice dito kung iyong pitong buwan ang pagbabasehan.

Kaya hinde ako nagugulat na umiiyak ang mga magsasakang palay natin sa mura ng bentahan sa palengke at ang iba ay napapa mura sa gobiernong walang puso at habag bakit hinayaan silang lunurin ng imported rice kung saan libo-libong pesos ang talo ng bawat isa sa kanila kada harvest.
Sabi ni Secretary Dar pagdating ng October 2019, 2019 po iyan not 2020, mag de determine ang opisina niya ng increase rice tariff.
Sa mga tricycle driver, embalsamador, karpentiro, at iba pang nag bulakbol noong high school sa Economics Class ang TARIPA O TARIFF “is a tax imposed by a government on goods and services imported from other countries that serves to increase the price and make imports less desirable, or at least less competitive, versus domestic goods and services”.
Bakit isang taon na ang nakalipas ay hinde pa nagawan ng Philippine Tariff Commission ng Safeguard Measures ayon sa Republic Act 8800 kung may rekomendasyon man si Dar na taasan ang taripa para makalaban ang bigas Pilipino sa mapapamura kang murang bigas, anak ng bakang dalaga, ng Vietnam, Thailand, India, U.S, at iba pa.
Bago ko dugtungan ang rason (kasi alam ko na hihihi) bakit hanggang ngayon ay malamig ang Gobiyernong Duterte sa pag protekta sa mga lugmok na magsasakang palay na Pilipino.
Bakit ayaw taasan say ng 35% to 70% tariff ang mga banyagang bigas.
ANO ANG RASON O RASONES KAIBIGAN?

READ MY OTHER BLOG/COLUMN:


(PHOTO CREDIT: BULATLAT.COM)

No comments:

Post a Comment