Thursday, October 22, 2020

Cong. Toff, Mayor Lambino pinangunahan ang inagurasyon ng Barangay Hall sa Mangaldan

LAMBINO SINABI ANG PAGHANGNGA SA MGA DE VENECIAS

Buong puwersang ipinakita ng mga De Venecias kamakailan ang kanilang walang humpay na pagmamahal sa Mangaldan, Pangasinan sa inagurasyon ng bagong barangay hall ng Barangay Buenlag.
Bagama’t umaambon, magkasamang dumating sa naturang mahalagang okasyon sina Congressman Christopher de Venecia at ang kanyang mga magulang na sina dating five-time Speaker Jose de Venecia Jr. at dating Congresswoman Manay Gina de Venecia.
The De Venecia Family leads by Pangasinan Fourth District Congressman Christopher "Toff" de Venecia (third from left), his mother and father former Congresswoman Gina de Venecia and former Five -Time Speaker Joe de Venecia (first and second from left photo) and Mangaldan Mayor Marilyn Lambino pose for posterity before the cutting of the ribbon of the inauguration of the village hall of Buenlag of the first class town. The husband of Lambino,
Presidential Adviser for Northern Luzon and  Cagayan Special Economic Zone (CEZA) Administrator and Secretary Raul Lambino, is rumored to challenge the young De Venecia in the 2022 election as he ubiquitously gives countless monoblock chairs and tens of thousands of pesos financial assistance to the barangay chairmen of the one city and four towns' District of the province.The District has 140 villages.

Sinabi ni Congressman Toff de Venecia na batid nya ang pagmamahal ng mga taga -Mangaldan sa kanila, mula pa noong panahon ng kanyang ama na si JDV, kay Manay Gina at sa kanyang kasalukuyang panunungkulan kung kaya’t todong pagmamahal din ang kanilang isinusukli sa kanila.
Nagbilin naman sya sa mga taga Buenlag, Mangaldan na manatiling obserbahan ang mga health protocols at magdasal upang labanan ang COVID-19.
Pinakiusapan din nya sila na alagaang mabuti ang kanilang bagong barangay hall at ituring ito bilang kanilang pangalawang tahanan.
Aniya, ang mga ganitong proyekto ay naipatayo mula sa buwis ng taong-bayan.
Mismong si Mangaldan Mayor Marilyn Lambino ang nagsabi ng kanyang paghanga sa tulong at suporta ng mga de Venecia sa kanilang bayan.
Inamin nyang batid niya ang pagmamahal ng mga de Venecia mula pa kay Speaker JDV, kay Manay Gina at hanggang kay CDV o Congressman Christopher de Venecia sa Mangaldan.
Sa mensahe naman ni Vice Mayor Jojo Surdilla ay binigyang-diin niya na deka-dekada na ang walang sawang tulong na ibinibigay ng mga de Venecia sa Mangaldan.--#

No comments:

Post a Comment