Wednesday, April 15, 2020

Trak-trak na bigas, hatid ni Cong, de Venecia sa kanyang mga kabaleyan



Nagbigay kahapon si Congressman Christopher de Venecia ng tatlong daang sako ng bigas (300 sacks of rice) sa Dagupan City bilang tulong niya sa relief operation ng siyudad para sa iba’t-ibang barangay.
300 SACKS of rice given by Congressman Toff de Venecia to administration of Dagupan City Mayor Brian Lim for the needs of his constituents.
Nagkakahalaga ng P600,000 ang ibinigay ni De Venecia mula sa personal nitong pondo.
Malugod namang tinanggap ni Mayor Brian Lim ang donasyon ni De Venecia na aniya’y malaking tulong sa mga residente ng Dagupan na apektado nitong COVID-19 outbreak dahil nakalockdown sila sa kanilang mga bahay at hindi makapagtrabaho para sa pantustos sa pagkain ng kanilang pamilya.
Maliban dito, kahapon ay nagpadala din si Congressman de Venecia ng 250 na piraso ng washable masks at 210 piraso ng disposable face masks para sa mga frontliners ng Dagupan.

250 SACKS of rice given by Congressman Toff de Venecia to the Mangaldan Mayor Marilyn Lambino (2nd from left) for the needs of her constituents in the Central Pangasinan town.
Matatandaang noong Lunes ay nagpadala ng 250 na sako ng bigas si De Venecia sa bayan ng Mangaldan na tinanggap ni Mayor Marilyn Lambino para sa kanilang relief operations.
Sa mga susunod na araw ay ide-deliver naman ang tatlong truck na bigas sa mga bayan ng San Jacinto, San Fabian at Manaoag.

No comments:

Post a Comment