Saturday, April 18, 2020

Congressman Toff De Venecia, Suportado ang Red Cross



Ang puso ni Congressman Toff de Venecia ay nananatili sa distritong kanyang kinakatawan, ang 4th District ng Pangasinan, pero ‘wag kayong magtaka kapag nakita ninyo ang kanyang Medical Mission van, na umiikot sa buong lalawigan, kasama ang Red Cross.
 
Special thanks to our members of Safety... - Safety is Our ...
Pangasinan Fourth District Representative Toff de Venecia  and his Blood on Wheels Letting Program of the Philippine Red Cross. 

Mangyari, suportado ni Congressman de Venecia ang adhikain ng Philippine Red Cross - Pangasinan Chapter na makapangalap ng dugo para sa blood bank ng mga ospital sa Pangasinan.
 
Kahit nasa kasagsagan ang krisis na hatid ng COVID-19, hindi maitatatwang , importante rin na may nakahandang dugo ang blood bank ng mga ospital, para sa mga pasyenteng mangangailangan nito, lalo na ngayong halos said na ang mga blood bank sa lalawigan.
 
Para sa mga nais mag-donate ng dugo, nananawagan ang Red Cross-Pangasinan Chapter na kayo’y makipag-ugnayan sa kanila, sa pamamagitan ng telepono, bilang 0947-791-2928 o sa pamamagitan ng kanilang Facaebook page, Philippine Red Cross Pangasinan Chapter.
 
Ang Red Cross caravan na tinawag na Blood -On- Wheels ay unang pupunta sa mga bayan ng Binalonan at Pozorrubio, sa Eastern Pangasinan sa ika-15 ng Abril.

No comments:

Post a Comment