Monday, October 29, 2018

Food production, pinag-iibayo


SUAL, Pangasinan – SINASANGAYUNAN ni Mayor Roberto ‘Bing’ Llamas Arcinue ang idinudulog sa mga lokal na pamahalaan ni Secretary Manny Pinol ng Department of Agriculture, ang programa patungkol sa pagpaparami ng ani sa sakahan, high yield at value na gulayan, pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop at pagseseguro na hitik sa produkto ang mga kailugan, baybayin at karagatan.
Image may contain: 1 person, closeup
‘Mamamayan ko, Pakakainin ko!’, a food security plan program ay naghihikayat sa lokal na pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang pagtulong sa sektor ng pagsasaka, gulayan, pangangalaga ng mga hayop at pangingisda upang maseguro palagi na may maiaahin sa hapag kainan ng bawat mamamayan ng ating bansa.

Bagamat nauna nang binagtas ni Mayor Bing Arcinue ang layon ng programa na akda sa ngayon ni Pinol para sa DA, higit pang ibayo ang isasagawa sa pinakikinabangan na ng mga mamamayan dito na ayuda sa paghuhusay kaalaman para sa maraming ani para sa mga magsasaka, maggugulay at mga nagtatanim ng fruit-bearing trees. Pati, ang salin teknolohiya sa paghahayupan ay binigyan ng matamang atensyon para dadami pa ang mga alaga at wasto ang timbang at laki.
Inilunsad na ang farm mechanization na akap na ng mga magsasaka dito. Wastong pagpili ng binhi at pataba ay binabantayan ng samahan ng mga magsasaka sa bawat barangay para matiyak na laging panalo sa ani ang mga magsasaka dito.
Naglunsad pa ng ‘million tree planting project’ na tuon sa pagtatanim ng mga forest trees sa kabudukan na tulong sa pagsawata ng climate change, fruit-bearing trees in every backyard para ang pamilya ay may aanihin na prutas, nagpatanim ng mga kawayan sa tabi ng ilog at tagiliran ng mga bundok para sa kalakal na kaloob nito at mga flowering trees sa tabi ng mga kalsada upang pagandahin at bigyan ng kaayaayang simoy ang lansangan saang man lugar sa bayang ito.
Sineguro naman na ang bawat hakbangin na kaloob ng Fishery Code ng bayang ito, ay mahigpit na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan dito sa giya ni Mayor Bing Arcinue.
Sa ngayon, malaking bahagdan ng produktong bangus sa pamilihang bayan sa buong kapuluan ay bahagi ng milyones na bilang na inaani mula sa mga fish traps dito. (Kitz Basila)

No comments:

Post a Comment