Punung-puno
ng pasasalamat ang mga residente ng Barangay Tebeng, Dagupan City sa pamilyang
de Venecia sa pagresolba sa dating abortion road sa kanilang lugar dahil sa
lubak-lubak na kalsada na sinemento na at tinawag ng prosperity road.
Pangasinan 4th District Congressman Christopher de Venecia is flanked by Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez and former 5-Time Speaker Jose de Venecia and wife former Congresswoman Gina de Venecia during the inauguration of the 2.2 kilometers Tambak-Tebeng Road in Dagupan City. |
Sinabi ni Kapitana Helen Fermill sa inagurasyon ng Tebeng Road, Livelihood Center at Gazebo kanina, na lubos ang kanilang kasiyahan sa pagtugon sa kanilang kahilingan na gawin ang naturang kalsada dahil sa labis na perhuwesyong dulot nito sa mga dumadaan doon.
Sinabi ni
4th District Congressman Christopher de Venecia na ito ay katuparan ng kanilang
ipinangako noong nakaraang taon matapos mapasinayaan ang karugtong nitong
kalsada sa Barangay Tambac.
Sinabi pa
ni Congressman Christopher de Venecia na kapag maganda at maayos ang kalsada,
malaking tulong ito sa negosyo at pagdadala ng pangunahing serbisyo sa isang
lugar.
“Mas
mabilis na pag-unlad,maayos na connectivity ang magpapalakas sa koneskyon ng mga tao,”ayon pa kay de Venecia.
Idinagdag
pa niya na ang proyektong ito ay pinasimulan ng kanyang ina na si Manay Gina de
Venecia noong kongresista pa ito. Ayon naman kay Manay Gina de Venecia,
malaking pasasalamat nito kay dating Pangulong Noynoy Aquino na pinakiusapan
niyang pondohan ang naturang proyekto noong mag usap sila sa Urdaneta City
noong 2016 sapagkat nais niyang maibsan ang hirap ng mga taong dumadaan sa
naturang kalsada na tinawag noon na abortion road.
Agad namang
tinawagan ni dating Pangulong Aquino si dating Public Works Secretary Rogelio
Singson para sa agarang pagpapagawa ng kalsada.
“Isinama ni
dating Pangulong Aquino sa kanyang priority projects, imbis na dalhin nya ang
pondo sa Tarlac ay sa atin nya ibinigay para magawa ito,” ayon kay Manay Gina
de Venecia.
Ang
Tambac-Tebeng road project ay may habang 2.2 kilometro.
Sinabi
naman ni Tambac Barangay Captain Willie Salayug na anuman ang dating sama ng
loob na kanilang naramdaman noon ay nagamot na dahil sa pagsasa ayos ng
kanilang kalsada.
Dagdag pa
niya na labis ang kanilang pasasalamat sa pamilya De Venecia dahil sa sipag
nilang maghanap ng pondo. Samantala, ipinarating naman ni Mayor Belen Fernandez
ang labis nitong pasasalamat sa serbisyong 3-in-1 ng mga De Venecia para mas
gumanda pa ang Unli-Serbisyo sa Dagupan na programa nito.--#
Cemented roads are sign of prosperity...
ReplyDelete