Monday, January 15, 2018

Pangalawang power plant tuloy na sa bayan ng Sual


Lalong lumakas ang pag-asa na magkakaroon ng pangalawang coal-fired power plant sa bayan ng Sual matapos magpahayag ng suporta sa naturang proyekto ang pinakamalaking samahan ng mga senior citizens sa naturang bayan.
Isang Manifesto of Support ang kanilang nilagdaan sa pamumuno ni Retired Lieutenant  Jaime V. Aceret, na siyang presidente ng Office of the Senior Citizen Affairs, at ni Ginang Cecilia D. Camo, presidente ng Federation of Senior Citizens Associations of Sual.
Nauna rito, nagpalabas din ang Ugnayan ng Nagkakaisang Kababaihan ng Sual (UNAKA), ang pinakamalaki at natatanging samahan ng mga kababaihan sa naturang bayan, ng kahalintulad na Manifesto.

Narito ang nilalaman ng naturang Manifesto of Support:
Ang nasabing Manifesto of Support ay pirmado ng lahat ng presidente 
ng Senior Citizen Associations mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Sual.

No comments:

Post a Comment