The UniFAST
Act will provide qualified students the following benefits like Scholarship
or financial assistance given to eligible students on the basis of merit and/or
talent; Grant-in-Aid or financial assistance to poor but eligible
students; Student loan or financial assistance consisting of short-term or
long-term loans which shall be extended to students facing liquidity problems. MORTZ C. ORTIGOZA
7-POINT AGENDA
SA SENADO, INILATAG NI ROMULO
Ayuda sa mag-aaral, pagsulong sa FOI, pagbababa ng buwis ang
tututukan ni Roman Romulo sa Senado
Kabilang ang mga Ito sa 7-point agenda na isusulong ng kongresista ng
Pasig kapag nahalal bilang Senador sa darating eleksyon sa 2016.
“Titiyakin ko ang malawakan at buong
pagpapatupad ng programang Iskolar ng Bayan, at ngUNIFAST na siyang magbibigay ng komprehensibong ayuda sa mga estudyanteng
Pilipino,” sabi ng pangunahing awtor ng nasabing mga batas sa House of
Representatives.
Isusulong din ni Romulo ang pagsasabatas ng dagdag na pangangalaga sa kapakanan ng mga batana nasa
pampublikong paaralan at bigyan rin sila
ng libreng pananghalian
“Kapag busog at malusog ang kata
wan ng ating magaaral, hindi mahirap
unawain ang pinagaaralan,” sabi niya.
Kasama si Romulo sa napiling mapasama sa tiket pang-Senado ni Sen. Grace
Poe at Sen. Chiz Escudero na prinoklama sa Club Filipino kahapon ng umaga.
Pagtutuunan din ng pansin ni Romulo ang pagamyenda ng batas sa Income Tax para mapababa ang buwis sa mga manggagawa, mangingisda,
magsasaka, propesyonal, sa mga nananahud lamang, at mga maliliit na negosyante
at mangangalakal.
“Panahon na para maramdaman ng mga nakakarami ang sinasabing paglago ng
ekonomiya,”
idiniin ni Romulo.
Kung hindi maihahabol sa kasalukuyang Kongreso ang Freedom of Information Bill, hindi titigil si Romulo sa
pagpupunyaging maipasa Ito sa susunod na Kongreso.
“Tiyak na maipapasa ang FOI sa
administrasyong Poe-Escudero,” ayon kay Romulo.
Hindi rin niya tatatantanan ang pagpapagawa ng sapat, sistematiko at pangmatagalang imprastraktura o mga
proyekto na tutugon sa mga problema ng trapik, baha,
kakulangan ng kalye, bulok na MRT at iba pang mga problema sa
kamaynilaan at iba pang malalaking siyudad tulad ng Cebu and Davao.
Papalawakin din ni Romulo ang mga benepisyo
ng ating mga OFW kasama na ang pagpapalaki ng halaga ng mga padala nila na exempted o labas sa pagpapataw ng buwis.
Sa panahon ng climate change, isusulong ni Romulo ang pagpapapatibay at
pagpapalakas sapaghahanda at
kakayahang sumaklolo ng pamahalaan sa panahon
ng mga kalamidad dala ng mga bagyo at lindol, kasama na
ang pagsasabatas ng isang Departamento na mamamahala ng
mga ganitong sitwasyon.
Isang abogado at ekonomista, Si Romulo ay anak ng dating Executive
Secretary at Senador Alberto Romulo at apo ng dating Foreign Affairs Secretary
Carlos P. Romulo. Ang dating konsehala ng Valenzuela Soledad Shalani ang
kanyang butihing maybahay.
No comments:
Post a Comment