Tuesday, November 3, 2015

Manay Gina lauds Roxas during his visit in P'gasinan

Masantos ya kabuasan ed sikayon amin!

Una sa lahat, ang aking taos-pusong pagbati sa lahat ng kasapi sa TODA Secure at sa pamunuan ng Philippine National Police—Pangasinan sa inyong napaka-gandang partnership, para masugpo ang krimen at maging taga-ligtas sa panahon ng sakuna.

STATEMENT. Rep. Gina de Venecia (4th District, Pangasinan) reads a statement while
Rep. Rosemarie "Baby" Arenas (3rd District, Pangasinan) assists her during the visit 
 last Monday of Liberal Party's presidential bet Mar Roxas at the public market of Dagupan
 City. At the side of Congresswoman de Venecia is Roxas and the City Mayor Belen 
Fernandez, while Councillor Maybellyn Fernandez smiles in front.. MORTZ C. ORTIGOZA

Ako po ay labis ding nagpapasalamat sa pagbisita sa atin ng Kuya ng Bayan--- ang “matuor ya manserbi; maarong agui” na si Kuya Mar Roxas ---- sapagkat kami ni Mayor Belen at ang mga kasamahan kong kongresista na sina; Tita Baby Arenas at Rachel Arenas ng Third District,  si Marlyn Agabas ng Sixth District; pati na si Congressman Conrad Estrella ng Abono Partylist (Rep. Estrella later joined them in Rosales gym, in Urdaneta)  ay nabigyan ng pagkakataon, na makapagpasalamat sa kanya ng personal.

Hindi n’yo naitatanong, nang ang ating Kuya ng Bayan, Mar Roxas ay Secretary pa lamang ng Department of Interior and Local Government, siya ay talagang naging very supportive sa aming mga kongresista, para matupad ang aming mga programang-pangkaunlaran sa bawat bayan.

At dito naman sa Dagupan, sa kasalukuyan ay higit 220 million ang halaga ng road at flood-control projects na ginagawa, kasabay ng pagtatayo ng 62 classrooms para sa ating mag-aaral.  At ito ay naipatupad, dahil madaling lapitan at bukas ang isipan, ng noo’y namumuno sa Kagawaran ng local government, na si “Kuya Mar.”

KAYA NAMAN, ngayon pa lang, ay nagdeklara na ang buong Fourth District—mula sa Dagupan City hanggang sa Mangaldan, Manaoag, San Jacinto at San Fabian, at maging ang buong Third and Sixth District na ang susuportahan namin para maging susunod na Pangulo, ay walang iba kundi ang mabait at pinaka-madaling lapitan sa oras ng kagipitan--- ang ‘Kuya ng Bayan,’ Mar Roxas!

Pero hindi lamang po yan ang basehan, sa aming pagpili. Syempre, ang gusto natin ay ang tunay na magpapatuloy sa ‘daang matuwid’, na sinimulan ng Pangulong Benigno Aquino—sapagkat sa kanyang pamamahala ay nabago ang estado ng bansa.  Mula sa pagiging sick man of Asia, ngayon ay ‘Asia’s new darling’ na ang ating bansa.  At mula sa 85th rank noong 2010, ang Pilipinas ay lumundag sa 47th rank, sa Global Competitiveness Rankings, dahil tayo ang isa sa nakapagtala ng pinakamabilis na pag-unlad, sa buong mundo.

PANGALAWA, ang “Kuya ng Bayan” na si Mar Roxas,  ang pinaka-handang humarap sa hamon ng modernong panahon. Iba na po ang sitwasyon ngayon.  Bukod sa patuloy na paglaban sa corruption ay nariyan din ang problema sa Mindanao, ang climate change na nagbigay sa atin ng bagyong Yolanda, ang sigalot sa bansang China, ang problema ng terorismo gaya ng ISIS.

At ang may kakayahan lang na humarap sa ganitong problema, ay ang may pinaka-malawak na karanasan sa pamumuno, tulad ni Mar Roxas: Nagtapos sa Wharton School of Economics; Naging Majority leader sa Kongreso; Nag- number One nang mag-Senador;  Ginawang cabinet member ng tatlong Presidente: President Estrada, President Arroyo at President Aquino; at Naging Secretary ng Department of Trade and Industry, Department of Interior and Local Government at Department of Transportation & Communication.  Kumbaga nga sa bunga, ang ating Kuya Mar, ay “hinog” na, at handang- handa na, para maging Pangulo ng bansa.

PANGATLO, ang “Kuya ng Bayan,” si Mar Roxas,  ay subok na. Number One sa kanya ang pagbibigay ng trabaho. Nang naging  kongresista,  si Mar Roxas ay sumulat ng batas kaya naitayo ang PESO o Public Employment Service Office sa bawat lalawigan at siyudad.

Global din ang pananaw nya, dahil bilang DTI secretary, ay sinimulan nya ang Call Center Industry. Kaya ngayon, karamihan sa mga bagong graduates ay nagkaka-trabaho agad bilang call center agents, dahil ang call center industry ng ating bansa ang Numero Uno sa mundo, pagdating sa mga voice calls.


At dahil may puso para sa mahirap, isinabatas  nya ang Cheaper Medicines Law  --- nang siya ay naging Senador. Kaya ngayon, ay nakakabili na tayo ng mga murang gamot.

Nang naglingkod naman sya bilang DILG Secretary, ay inilunsad nya ang “Oplan Lambat Sibat”, kontra sa  krimen, para mabuhay ng payapa ang bawat Pilipino. Dahil dito, tuluyang bumagsak ang  Balane Robbery and Hold-up group, ang Abu-Abu Group at Navarro/Balweg Drug Group.

 Kaya, ang tanong nga ni Pangulong Aquino sa atin—‘Bakit pa tayo maghahanap ng iba’, gayung meron namang ‘sigurado na’.  At ‘yan ay walang iba, kundi ang “Kuya ng Bayan”, si Mar Roxas.

Balbaleg  ya salamat ed sikayon amin!  Mabuhay ang susunod na Pangulo, ang Kuya ng Bayan, si MAR ROXAS!

No comments:

Post a Comment