Monday, May 6, 2013

Sino si Chris Romero?


Ako po si Christopher “Hermie” Generosa Romero, ipinanganak noong December 18, 1974. Ako ay nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce, Major in Banking and Finance sa Lyceum-Northwestern University, Dagupan City at aktibong miyembro ng Autolimit Inc., Pangasinan Chapter. Kami ng aking maybahay na si Jennifer Chua ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Christian Jayson at Jecris Cedric.

Anak ni Dating Mangaldan Mayor Hermie Romero

 Ang aking ama ay ang yumaong Herminio Aquino Romero. Siya ay tatlong beses naging Konsehal, nahalal ding Vice Mayor at tatlong beses naging Mayor ng Mangaldan.

Lolo ay tubong San Fabian, lola lumaki sa Manaoag

 Ang aking ina, si Gloria Generosa na ipinanganak sa San Fabian, Pangasinan ay isang retired teacher. Tubong San Fabian din ang aking lolo Dionisio Generosa. Ang aking lolo Pio Generosa ay ipinanganak naman sa Pugaro, Manaoag, Pangasinan.

Tahimik na ta-o

 Nakilala ako ng karamihan na isang tahimik na tao. Subalit, sa loob ng mahigit dalawampung taong pagseserbisyo ng aking ama sa bayan, lingid sa kaalaman ng mga tao, ako ay naging mapagmasid, masigasig at maagap na umaantabay sa aking amang lingkod-bayan. Batid ko ang mga sakripisyo ng isang nagsisilbi sa mga tao.

Pangarap sundan ang yapak ng ama

Ang hindi alam ng iba, pinangarap ko ring sundan ang mga yapak ng aking ama sa pulitika. Maraming beses din akong inalok na tumakbo bilang konsehal ng bayan.
 Sa kadahilanang ayaw kong maging sagabal sa mga pangarap ng aking ama, nanatili akong nasa likuran niya lamang. Ngayong wala na si Mayor Hermie at ni hindi niya natupad ang kanyang huling mithiin sa buhay – ang makapaglingkod sa kuwatro distrito – ay pinag-isipan at nag-desisyon akong ipagpatuloy ang kanyang laban.
 Ang labang ito ay hindi lamang para sa aking bayang Mangaldan, kundi laban nating lahat para sa mga bayan ng San Jacinto, Manaoag at San Fabian.
 Pantay-pantay na serbisyo ang laan ko sa lahat ng aking masasakupan, walang mayaman, walang mahirap. Isusulong ko ang mga programa para sa mga magsasaka, sa mga senior citizens, sa mga kabataan, sa sports, sa kalusugan at sa kalikasan. Alam kong kakayanin ko ang lahat ng ito dahil ako ay may pus♥ng HERO, siguradong serbisyo ang handog ko para sa inyo.
Salamat sa suporta at boto ninyo.

No comments:

Post a Comment