Governor Amado T. Espino (4th from Left) |
Nakakalungkot lamang isipin na ang aking katunggali sa darating na halalan ay nasanay sa mapanirang pulitika, na ang tanging hangarin ay ang durugin ang buhay ng isang tao matupad lamang ang ambisyon na maluklok bilang gobernador ng ating lalawigan. Kung anu-anong kaso na ang ibinato sa akin, sa hangarin na ako ay makulong. Ito ang labis na ikinasama ng loob ng nakararami, lalo na ang aking ina na inatake pa sa puso at hanggang ngayon ay nasa pagamutan pa. Ang mga kasong ito ay punong-puno ng kasinungalingan, panlilinlang at mga inimbentong mga paratang na siya ring nagtaboy sa mga ilang negosyante na nais sanang mamuhunan sa ating bayan.
Noong pang Disyembre ng nakaraang taon, pinagbabalita na niya na ako raw ay makukulong at maaalis sa pwesto. Nang hindi ito nangyari, umatras nang umatras ang sinasabi niyang petsa nang aking pagkaka-kulong, una noong March 29, at nang walang nangyari, umatras sa April 19. At hanggang ngayon wala pa rin nangyayari, kaya umatras na naman ang petsa, at sa April 30 na raw ako makukulong.
Hindi ba kayo nakakahalata na puro panlilinlang, at kasinungalingan ang kanyang ginagawa? Sa lahat ng ating pinagdadaanan, nananalig ako sa hustiya at sa Poong Maykapal. Alam ko na batid Niya ang marubdob kong pagmamahal, at ng buong Team Espino, sa ating lalawigan. Gayun din, ako’y nananalig din sa tulong ng aking mga kababayan. Huwag natin hayaang masira ang lahat ng ating magagandang sinimulan. Marapat lamang na tayo ay magtulungan upang tuloy-tuloy na ang pagbabago, asenso at progreso ng Pangasinan. At kung ang inyong lingkod ay mabibigyan pa ng isang pagkakataon, sa pangatlong yugto ng ating panunungkulan, isusunod na natin ang mga higanteng proyekto gaya ng seaport, airport at eco-zones na magbibigay sa atin ng mabulaslas na kaunlaran tungo sa magandang kinabukasan para sa ating mga anak, at para sa mga susunod na henerasyon. Ang laban kong ito ay laban nating lahat. Muli, maging mapagmatyag po tayo. Bantayan po nating mabuti ang ating mga boto at sama-sama natin abutin ang ating ginintuang mithiin na gawin Number 1 ang Pangasinan sa buong Pilipinas. Maraming salamat po. Ang inyong abang lingkod,
GOBERNADOR AMADO T. ESPINO, JR.
No comments:
Post a Comment