BINIGYAN kamakailan ng domestic manufacturers ng ating bansa ng pasadong marka ang bagong liderato ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Finance (DOF) sa kampanya ng dalawang ahensya laban sa smuggling.
Paliwanag ng aking partner na si Jesus L. Arranza, chairman ng Federation of Philippine Industries (FPI), na satisfied ang kanilang grupo sa performance ng bagong pamunuan ng BOC at DOF kahit pa hindi lahat ng kanilang kahilingan at napag-usapan ay naipatupad.
Ito ang resulta ng common assessment na inilabas ng mga miyembro ng FPI sa isinagawang general membership meeting kung saan kanilang pinag-aralan at tinimbang ang performance ng BOC base sa rekomendasyon na isinumite ng mga domestic manufacturers sa BOC at DOF noong 1st Anti-Smuggling Summit ng nakaraang Nobyembre, 2010.
Particular na pinuri ni partner Jess si Customs Commissioner Angelito Alvarez sa pagbibigay n’ya ng regular na “twice a month meeting” sa FPI upang magbigay ng updates at pakinggan ang kanilang mga hinaing.
Pumayag din si Alvarez sa kasunduan katuwang ang FPI na umaayon sa pagtalaga ng industry technical experts na ngayon ay tumutulong na sa mga tauhan ng BOC sa pagsawata sa technical smuggling.
Kaya nga naalarma din ang mga grupo na bumubuo sa ating lokal na industriya nang lumabas ang balita na may nagsampa ng kasong graft laban kina Secretary Purisima, Undersecretary Guillermo Parayno at Commissioner Alvarez hinggil daw sa hindi nila napahintong importasyon ng ukay-ukay.
Kagaya ng aking sinabi ay gayon din ang pananaw ng aking partner na Jess, ang kasong isinampa ay mukhang kagagawan ng mga smugglers para matigil ang ginagawang kampanya ng BOC at FPI laban sa technical smuggling.
Napag-alaman pa natin na ang mga complainant sa naturang kaso ay nagpakilala raw na mga personnel ng BOC ngunit nang ito’y i-verify sa roster of personnel ng ahensya, walang lumabas na ganung pangalan.
Katulad ng sinabi ko ay bogus ang kasong isinampa laban sa tatlong opisyal. Kaya tama lamang ang sinabi ni partner Jess na “If they are really sincere, they should come out in the open. The FPI, during the time of Commissioner Napoleon Morales, even held press conferences to air our complaint of rampant smuggling. They should do the same!”
Kaya kung may dapat daw kasuhan sa pagdami ng ukay-ukay ay dapat si Morales ’yun.
Tama ang sinabi ng aking partner dahil sandamakmak na ukay-ukay ang nahuli ng PASG dati. May mga broker, importer at tauhan ng BOC kaming kinasuhan laban sa pag-aangkat ng ukay-ukay ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito dinidinig. Kagaya din sa kaso na isinampa namin kay Commissioner Morales, hanggang ngayon ay natutulog pa rin!
Nagtataka nga si partner Jess kung bakit ang mga kasong nabanggit ay isinampa sa bagong liderato ng DOF at BOC ganung alam naman natin na mahinang kaso na kung ikukumpara sa epektibong pamamaraang ginagamit ngayon ng bagong pamunuan ng BOC sa pakikipagtulungan ng FPI.
Sa bagong memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan ng BOC at FPI, mas naging malalim at epektibo ang koordinasyon sa pagitan ng mga pribadong sektor at gobyerno bilang nangunguna sa pagpapababa ng smuggling activities kabilang na ang pag-aangkat ng ukay-ukay.
* * *
Ang inyong lingkod ay sumasang-ayon at sumusuporta sa ipinag-utos ni P-Noy na nagbabawal sa pagbibigay ng “clemency” o “pardon” sa mga convicted drug offenders at rapist.
Tama lamang ito upang hindi na pamarisan ng lipunan ang mga nagtutulak ng droga at rapists. Isang malakas na senyales ito na dapat tumatak sa isip ng ating mga kababayan.
Ang mga nagtutulak ng droga ay hindi dapat at hindi nababagay na bigyan ng “clemency” ng Presidente dahil marami silang kabataan, pamilya at buhay na sinisira.
Kailangang gumaya tayo sa ibang bansa na maghigpit sa batas at sa pagpapatupad nito upang makita ng ating mga kababayan na talagang seryoso tayo sa kampanya laban sa salot na droga.
Kapag magpapakita kasi tayo ng awa at lambot sa pagpapatupad ng ating batas ay hindi titigil ang mga tulak ng droga sa ating bansa.
Dapat ngayon pa lamang ay magpakita na tayo ng kamay na bakal sa mga pusher na iyan! Dapat ipakita natin sa kanila na wala silang puwang sa ating komunidad! Dapat magkaisa tayong lahat upang isuplong at ipahuli ang lahat ng tulak ng droga sa ating bansa!
Ito ay ilan lamang sa mga paraan upang maabot natin ang ating mithiing drug-free Philippines para sa ating pamilya at sa mga susunod pang henerasyon.
Kung ako lang ang masusunod, sana ay maibalik na rin ang “death penalty” upang nang sa ganun ay magkaroon na rin ng takot ang mga batikang tulak ng droga, rapist at mamamatay-tao!
Kahit milyun-milyong kilo ng droga ang mahuli araw-araw, balewala sa mga nahuhuling tulak kasi nga hanggang habambuhay na pagkakakulong lamang ang sintensya!
Kung sa mga nag-aabuso ng bawal na gamot ay may rehabilitation center tayo, dapat magkaroon na rin ng “crematorium” para sa mga pusakal na tulak ng droga!

No comments:
Post a Comment