Tuesday, May 10, 2011

300 Dagupeños ‘nabinyagan’ ngayong araw

            Isa sa nakagawian sa ating bansa tuwing summer ang pagpapatuli o circumcision ng mga binatilyo.  Ang operasyong ito ay itinuturing na ‘rite of passage’ sa mga kalalakihan bago magbinata.
 
          Kaya naman minabuti ni Congresswoman Gina de Venecia na magsagawa ng “Operation Tuli” sa kanyang distrito, partikular na sa lungsod ng Dagupan.

At ngayong Martes, ika-10 ng Mayo, 300 binatilyo ang makikinabang sa libreng pagpapatuli.  Ang libreng tuli ay magsisimula ngayong ika-siyam ng umaga sa Caranglaan Elementary School ng Barangay Caranglaan.

Ang lahat ng interesado sa nasabing programa ay puwedeng makipag-ugnayan sa sinumang opisyal ng  nasabing barangay o kay Kapitan Alex B. Claveria,  at sa mga tauhan ni Congresswoman de Venecia.

Bukod dito, patuloy ang pagsasagawa ni Manay Gina ng libreng medical at dental mission.  Ginanap ito noong Biyernes sa Barangay Tebeng, Dagupan City at isasagawa naman ngayong Biyernes at Sabado sa mga bayan ng Mangaldan at San Jacinto.

Katulong ni Congresswoman De Venecia sa mga programang pangkalusugan  ang mga doktor at nurses ng Region 1 Medical Center.

No comments:

Post a Comment