Monday, April 18, 2011

P7.75milyon supllemental budget ipinasa para sa mga brgy ng Dagupan

BUONG PUSONG IBINIGAY NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG DAGUPAN ANG KANILANG SUPORTA SA 31 BARANGAY SA PAMAMAGITAN NG PAGPASA NG P7.75 MILYONG PISO SA GINANAP NA SESYON KAHAPON.
 
SINABI NI DAGUPAN CITY VICE MAYOR BELEN FERNANDEZ NA ITO NA YONG KATUPARAN NG KANILANG IPINANGAKO NA HINDI SILA MAGIGING HADLANG SA MGA NAIS NA GAWING PROYEKTO NG IBA’T-IBANG SEKTOR NG SYUDAD GAYA NG MGA LIGA NG BARANGAY BASTA DUMAAN SA TAMANG PROSESO AT PALIWANAG ANG KANILANG KAHILINGAN.
 
ANG PONDO AY MAGMUMULA SA UNAPPROPRIATED BUDGET PARA SA 2011 NA P81 MILYON, NA ANG IBIG SABIHIN AY ITO YONG SOBRA NA HINDI NAKABUDGET.
 
MAPUPUNTA ANG P4.650 MILYON SA MGA 31 BARANGAY NA GAGASTUSIN NILA SA KANILANG PARTISIPASYON SA GILON GILON STREET DANCING PARA SA BANGUS FESTIVAL HABANG P3.1 MILYON NAMAN AY PARA SA SOCIAL AND HEALTH SERVICES GAYA NG PAGLINIS SA KANILANG DRAINAGE AT FOGGING OPERATYION PARA LABANAN ANG DENGUE.
...
 
 
IPINA ALALA NI VICE MAYOR BELEN FERNANDEZ SA MGA KAPITAN NA NAKASAAD SA KANILANG INAPRUBAHANG ORDINANSA NA ANG PONDONG ITO AY IBIBIGAY SA PAMAMAGITAN NG INDIVIDUAL CHECKS SA 31 BARANGAYS SA PARE-PAREHONG HALAGA AT TATANGGAPIN NG PUNONG BARANGAY. ITO RIN AY IPAPASAILALIM SA TAMANG LIQUIDATION BASE SA STANDARD ACCOUNTING RULES, REGULATIONS AND PROCEDURES.
AYON PA KAY FERNANDEZ, SANA AY HUMINGI NA RIN NG SUPPLEMENTAL BUDGET SI MAYOR LIM SA SANGGUNIAN PARA SA BIGAS NG MGA EMPLEYADO.

No comments:

Post a Comment